Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil... Bandera

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

Ervin Santiago |January 14,2022
share this

Sue never nag-inarte sa mga love scene nila ni Zanjoe: Hindi na kami nahirapan dahil…

Ervin Santiago January 14, 2022 - 08:16 AM

Sue Ramirez at Zanjoe Marudo

HANGGANG ngayon ay super crush pa rin ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez ang leading man niya sa upcoming Kapamilya series na “The Broken Marriage Vow” na si Zanjoe Marudo.

At ito raw ang isa sa dahilan kung bakit mas naging madali para sa kanya na gampanan ang pagiging kabit ng karakter ng aktor sa nasabing family drama with a twist.

Bibigyang-buhay ni Sue ang karakter ni Lexy Lucero, ang other woman ni David Ilustre na gagampanan nga ni Zanjoe na asawa ni Dr. Jill Ilustre to be played by Jodi Sta. Maria. 

Diretsahang sinabi ni Sue na talagang ibinuhos niya sa “The Broken Marriage Vow” ang lahat ng itinatago at kinikimkim niyang paghanga kay Zanjoe mula pa noong mga panahong wala pa siya sa showbiz.

“May mga emosyon tayo na hindi natin pwede pigilan, guys. So, dahil crush ko si Z, kailangan kong i-channel ‘yung emotion ng kilig, ng gigil din.

“Tapos lagyan mo ng kaunting spice, landi gano’n. At nakatulong sa akin na crush ko siya kasi hindi na mahirap i-desire siya dahil crush ko nga,” ang chika ni Sue sa naganap na solo virtual presscon niya kamakalawa, Jan. 12.

Tinanong namin ang dalaga kung gaano ka-intense ang mga love scene nila ni Zanjoe sa serye at kung nahirapan ba siyang gawin ang mga ito.

“Hindi na kami nahirapan sa mga gano’n kasi sobra rin akong inalalayan ni Z. Siya ‘yung type ng person na kapag nakilala mo, may tiwala ka na kanya. Ganu’n po siya kabuting tao,” paliwanag ni Sue.

“Alam niya kapag nahihirapan ako, mag-a-adjust talaga siya. Dahil nga torpe, tsina-chummy niya ko bago kami mag-take. Nakikita ko naman ‘yung mga extra effort na ganu’n. 

“Very grateful ako na, ang lalaki nu’ng love scenes, pero hindi ko naramdaman na kinailangan ko mailang. Hindi niya ko binigyan ng dahilan para maramdaman iyon,” katwiran pa niya.


Tawa naman nang tawa ang aktres nang sabihing nakiusap daw si Zanjoe sa kanya na huwag na muna siyang tawaging kuya habang nasa lock-in taping sila.

“Sabi niya sa akin, hindi ko na raw siya pwede maging crush kasi matanda na raw ako. Tapos na-realize ko na 25 na nga ako, okay pa ba ‘to na happy crush? Iba po talaga ang paghanga ko kay Zanjoe,” paliwanag pa ni Sue.

“Bata pa lang ako at hindi pa artista, siya na talaga ang showbiz crush ko,” diin pa ng Kapamilya star.

Magsisimula na ang “The Broken Marriage Vow” sa Kapamilya Primetime Bida lineup sa darating na Jan. 24 at 8:40 p.m..

Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget

Sue Ramirez tinotoo ang bonggang batok kay Jodi: I was really scared, ang liit kaya ng ulo niya, gamunggo!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending