Hugot ng netizen: Nagkikita lang ang barkada tuwing may patay

Netizen hugot na hugot: Nagkikita lang ang barkada tuwing may patay, lamay

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 12:05 AM

Netizen hugot na hugot: Nagkikita lang ang barkada tuwing may patay, lamay

RELATE much ang maraming Pinoy sa isang Facebook post kaugnay ng pagpunta ng isang netizen lamay ng namatay na tatay ng kanyang kaibigan.

Mababasa ang mga hugot ng naturang netizen sa Facebook page na “Klasik Titos and Titas of Manila” kung saan naibahagi niya ang kanyang realization tungkol sa buhay at kamatayan.

Ayon sa netizen, pumunta siya sa burol ng ama ng kanyang BFF kasama ang iba pa nilang mga kabarkada. Isa sa mga napagkuwentuhan nila nang muling magsama-sama sa lamay ay ang pagkakasakit ng mga magulang ng iba pa nilang kaibigan at kakilala.

“Last year, ang dami ko din batchmates na namatayan, hindi lang mga lolo at lola, pati parents na din. Minsan nga kapatid pa.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer, 2 anak inihatid na sa huling hantungan si Jho Rovero

“I realized na nandun na tayo sa age na our parents get sick and frail, and while I know what people eventually pass away, it just saddens me and makes me anxious na ayun nga, andun nako sa age na yun,” ang pagbabahagi ng netizen.

Sey daw niya sa isang kaibigan, “Sabi ko sa friend ko, ‘ano ba yan, laging drawing yung libot ng barkada, pero sa ganito na lang tayo nagkikita.’

“Sabi nya, ‘sana magkita naman tayo on a more positive way. Hindi yung namamatayan kaya tayo nagkikita-kita,'” aniya pa.

Kasunod nito ay nagpaalala ang uploader ng FB post sa lahat, ” Mahalin natin pamilya natin hangga’t kaya, guys!”

In fairness, super agree naman ang maraming nakabasa sa kuwento ng netizen. Narito ang ilan sa kanilang comments.

“Kadalasan kc, dahil bc tayo sa ating paglaki, sa pag abot ng ating mga pangarap,,madalas nakakalimutan natin na ung mga magulang natin, tumatanda na.”

“Hinahanap ko ‘yung tamang salita para rito, pero napapansin ko lang nabubuo ang tropa kapag may nawawalan ng malapit sa buhay yung isa sa mga kaibigan. Ewan ko, pero ganun siguro talaga? Maaaring nasa kultura na? Hindi man nabubuo kapag masaya pero nagdadamayan naman kapag kailangan ng tropa.”

“Ang masakit lang tumatanda na yung magulang natin na hindi man lang nakaranas ng kaalwanan sa buhay. Parang it’s a failure sa part natin na hanggang ngayon struggle pa rin tayo sa mga bills and everything not until marerealize mo na lang na tumatanda na mga magulang natin at unti unti ng iginugupo ng karamdaman at kapos pa rin tayo sa pera.”

“Sabi ng iba, umabsent ka na sa mga celebratory events wag lang sa pakikiramay sa kakilala mong namatayan. Kaya tingen ko kung di talaga uubra sa mga social gathering, at least nagdadamayan kayo sa lungkot.”

“When my dad passed away, naging realization din namin magkakaibigan nung highschool na bakit dun pa sa pagkakataon na yun kami ulit nagkita kita. So after nun, mas madalas na ang coffee date, kain and presence ng bawat isa tuwing may okasyon o random na invitation lang.”

“I’ve arranged a family reunion last year after one of my closest cousin died of sudden asthma attack. I said the exact thing. Sabi ko wag naman na puro reunion natin eh tuwing my patay nalang.”

Isang senior netizen naman ang nagkomento tungkol dito at may point din naman siya. Aniya, “This is from the point of view nman ng isang oldie.- I’m 71 and I have S4colon ca. It’s good that younger people notice the aging process na dinaraanan ng parents/guardians nila. I’m sure masyado ang pag-aalala nyo, lalo na kung magkasakit sila.

“I saw that in my children who are now in their 40s na. But I must tell you, mas sobra ang pag-aalala namin kasi masakit sa loob naming makita kayong aligaga sa pag- aasikaso sa amin o lagi kayong nag-iisip kung pano kami giginhawa.

“Yung reversal of roles, kung kailan ang anak ang gumaganap sa dapat ay gampanin ng magulang, nakaka- proud yun but at the same time, nag- aalala kami na naaagaw namin yung oras ninyo para sa inyong pamilya at sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“If God wills that I succumb to ca, kahit maraming hirap, mamamatay akong may ngiti sa labi dahil nakita ko yung pag- aalaga at pag- iintindi sa akin ng aking mga anak. Marami sa aming mga magulang, ayaw naming mag- alala kayong mga anak namin, but who should we expect to take care of us?

“Kaya kayong mga namumulat na sa estadong ito ng inyong buhay, pray a lot- for stronger faith and physical strength to be able to do what you need to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending