Darryl Yap iwas sa pagsagot sa usaping legal, ‘Pepsi’ movie gogora na sa MTRCB
NAGLABAS ng reaksyon si Direk Darryl Yap tungkol sa desisyon ng korte na tanggalin ang 26-second teaser video ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Panalo ang TV host-actor na si Vic Sotto sa isinampa niyang “petition for writ of habeas data” matapos diretsahang banggitin sa naturang teaser video ang kanyang pangalan kaugnay ng rape case ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.
Matatandaang nagsampa ng kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 noong Enero 10 ng 19 counts of cyber libel si Bossing Vic dahil sa pagbanggit ng pangalan nito sa teaser na pinost ni direk Darryl sa kanyang Facebook account noong Enero 2.
Sa 20-pahinang decision na may petsang January 24, mula kay Muntinlupa RTC Branch 205 presiding judge Liezel Aquiatan ay inutusan ng korte si Direk Darryl na tanggalin ang teaser video ng pelikula sa lahat ng online platforms.
Baka Bet Mo: Boss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie ni Darryl dahil sa TVJ?
Samantala, narito ang naging reaksyon ni Direk Darryl sa lumabas na desisyon ng korte na kanyang ipinost sa Facebook kasama ang larawan ni Rhed Bustamante na gumaganap bilang si Pepsi Paloma sa pelikula.
“MENSAHE NG PASASALAMAT
“Hindi pa rin po ako maaaring magbigay ng tuwirang pahayag sa usaping legal ngunit nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat sa mga nagpapahayag ng kanilang suporta at nananalangin para sa kapakanan ng pelikula.
“Dahil po sa inyong dasal at pagsubaybay, Itinuturing po naming mahalagang balita ang pagkakaroon natin ng legal na pahintulot upang maipalabas ang ating pelikula, next step naman po namin ay magpa-review sa MTRCB, susunod po tayo sa mga pamantayan kahit gaano ito kabusisi. Maghintay lamang po tayo.
“Sa mga kababayan ko sa abroad na nagnanais na bilhin at ipalabas ang #TROPP sa USA, JAPAN, HK, EUROPE atbp., yan po ay sekondarya lamang sa aming isip sa ngayon, sapagkat prayoridad po ang pagpapalabas sa Pilipinas at sa mga kausap nang streaming platform, gayunpaman,
“Maraming Salamat po sa pagpapahalaga, darating din po tayo dyan.
“Salamat po sa pakiisa at pagtangkilik, parating na po si #PepsiPaloma #TROPP2025.”
Anyway, maraming supporters pa rin si Direk Darryl na umaasang mapapanood pa rin nila ang pelikula sa sinehan o kaya’y sa mga streaming platform.
Ang ilan sa nabasa naming komento ng netizens ay ang mga sumusunod:
“Guilty lng po sila Direk Hindi nman Ikaw ang nag imbento ng pangalan ni Vic Sotto hango lamang ang pelikula mo sa totoong nangyari at hindi ma-deny ‘yun at hanggang ngayon marami parin nakakaalam sa totoong nangyari kay Pepsi pero napaka-unfair at bias lng sa part ng biktima at ng pamilya mg biktima na ang hustisya sa pilipinas ay para lng sa ma impluwensya at mayayaman … Kahit ipatanggal ni Sotto pangalan nya sa pelikula Hindi pa rin mawaglit sa isip NG mga tao kung sino ang totoong gumahasa sa kanya naka kabit na Ang pangalang Vic Sotto kaya chill lng Direk.”
“Mas reliable ang statement ng pamilya compare sa ibang tao na nagpapanggap na close sa biktima. Hindi mananalo Ang kasamaan laban sa kabutihan.”
“Excited na kaming mapanuod Ang movie, The Rapists of Pepsi Paloma. Magkita nlang tayo sa mga sinehan mga dabarkads.”
“Sana Napanuod namin yan sa Netflix direk.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.