Darryl Yap sa mga epal: Ginawa ko ang Pepsi Paloma para sa inyo

Darryl Yap sa mga epal: Ginawa ko ang Pepsi Paloma para talaga sa inyo!

Ervin Santiago - January 08, 2025 - 06:40 AM

Darryl Yap sa mga epal: Ginawa ko ang Pepsi Paloma para talaga sa inyo!

Darryl Yap, Rhed Bustamante at Pepsi Paloma

MAY resbak ang controversial filmmaker na si Darryl Yap sa mga namba-bash at tumitira sa pagsasapelikula niya ng buhay ng yumaong sexy star noong dekada 80 na si Pepsi Paloma.

Sa kanyang official Facebook page, sinagot ni Darryl isa-isa ang mga nambabasag sa “The Rapists of Pepsi Paloma” na teaser pa lang ang inilalabas ay umami na ng sandamakmak na reaksyon mula sa publiko.

May mga nagsabi pa nga na isa lamang daw itong diversionary tactic ng gobyerno para pagtakpan ang mga sablay ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

“’Itong Pepsi Paloma, diversion ito sa kapalkapan ni Bongbong’ – GUSTO KO NGA MAGRESIGN YAN, DIVERSION PA!” ang simulang banat ni Direk Darryl sa naturang isyu.

Baka Bet Mo: Boss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie ni Darryl dahil sa TVJ?

Kasunod nito inisa-isa nga niya ang mga nangnenega sa kanyang pelikula.

“’Itong Pepsi Paloma, para ito mawala ang atensyon ng publiko sa kurapsyon — MUKHA BA KONG LONE BETTOR SA LOTTO!”

“’Itong Pepsi Paloma demolition job ito against Sotto’ – ANO ANG IDEDEMOLISH, Senatoriable naman siya, 12 ang pwesto. EH ANO KUNG MAKADUTERTE AKO— nagharap na sila sa VP ELECTION, nagdemodemolish ba ko? kailangan ba?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“’Itong Pepsi Paloma, lilinisin ang pangalan ng mga Sotto’ — wala akong konek sa kanila, at hindi ako Janitor para maglinis ng kalat ng iba,” ang hirit pa ng matapang at palabang direktor.

Pagpapatuloy pa niya, “T*ng i*a n’yo,  Gusto nyo tungkol sa Pulitika nyo na lang lahat—kung wala kayong buhay sa labas ng pamumulitika, wag nyong lahatin ang mga tao.

“Kaya ko ginawa ang Pepsi Paloma ay para talaga sa inyo! ina nyo!” ang buong post ng direktor.

Nauna rito, nagpaliwanag din si Direk Darryl sa pamamagitan din ng kanyang FB page, tungkol sa kontrobersyang bumabalot sa “The Rapists Pepsi Paloma”.

“Pepsi and I—we are Olongapeños. But more than that, this story has haunted the public consciousness for decades.

“As a filmmaker who started out in social media, I don’t choose these stories; they choose me,” ang simulang paglilinaw ni Darryl Yap.

Patuloy pa niya, “Social media keeps resurrecting it, raw and unresolved, like an open wound. And when something keeps coming back like that, you realize—it’s not just a story, it’s a reckoning.

“I felt a responsibility to confront it, to dig into the truth, no matter how uncomfortable, and present it in a way that demands to be seen and felt,” aniya pa.

Sumunod dito ay binanggit naman ng direktor ang pangalan ni Bossing, “About Sir Vic Sotto, I’m not sure whether to offer an apology for his name being mentioned in the film.

“The truth, after all, is unapologetic.  As a public figure tied to a public story, I believe there’s an understanding that stories like this will inevitably resurface.

“My role as a filmmaker isn’t to pass judgment or provoke—it’s to tell the story as it happened, with honesty and respect for the facts.

“I trust that those who will watch the film will see it for what it is: an attempt to shed light on a controversy that refuses to be forgotten.

“I respect my fellow artists, I respect the pillars of the industry, but what I respect most is the Truth in my heART,” ang kabuuang post ni Direk Darryl Yap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pa ring iniisyung official statement si Bossing o ang sinuman sa kanyang kampo. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng iconic TV host-comedian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending