oss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie dahil sa TVJ?

Boss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie ni Darryl dahil sa TVJ?

Ervin Santiago - January 07, 2025 - 08:00 AM

Boss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie ni Darryl dahil sa TVJ?

Darryl Yap, Cristy Fermin at Vic del Rosario

KINAUSAP pala ni Darryl Yap ang veteran radio-TV host na si Cristy Fermin tungkol sa pagsasapelikula niya ng life story ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Mismong si Nanay Cristy ang nagkuwento ng naging pag-uusap nila ng kontrobersyal na filmmaker tungkol sa pagsasalin sa pelikula ng rape case ni Pepsi na sumikat bilang sexy star noong dekada 80.

Ayon sa premyadong host at showbiz columnist, lumapit daw sa kanya si Darry Yap para hingin ang kanyang saloobin tungkol sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na” last Sunday, January 5, kinumpirma ni Nanay Cristy na hiningan siya ni Direk Darryl ng opinyon about the movie at ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit tinanggihan umano ng Viva Films ang kanyang movie.

Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’

“Isang araw, nag-text sa akin si Darryl. Sabi niya, ‘Nanay, pwede ba kitang tawagan? Hihingi lang ako ng opinyon mo saka advice.’ Sabi ko, oo,” kuwento ni Nanay Cristy.

“Nag-usap kami. Sabi niya, ‘Nay, bakit kaya tinanggihan ng Viva itong pelikulang plano kong gawin. ‘The Rapists of Pepsi Paloma.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sabi ko, talagang tatanggihan ni Boss Vic Del Rosario ‘yan dahil ang kanyang pakikipagkaibigan sa Tito, Vic, and Joey ay malalim pa sa alam mo,” lahad pa ng veteran writer.

Pagpapatuloy pa ni Nanay Cristy, “Ang singing career ng Tito, Vic, and Joey ay nagsimula sa Vicor (Music) kay Boss Vic.

“Hindi niya talaga papayagang siya pa ang maging dahilan para mai-produce at lumabas itong pelikulang ito,” aniya pa.

Nauna nang sinabi ni Direk Darryl sa isang Facebook post na hindi ang Viva Films ang producer ng “The Rapists of Pepsi Paloma”. Wala rin daw konek ang pamilya Jalosjos at ang kalaban sa politika ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang pelikula.

Alam naman ng lahat na may legal battle ang pamilya Jalosjos (may-ari ng TAPE Inc.) at sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kaugnay sa isyu ng “Eat Bulaga” trademark na gamit na ngayon ng TVJ sa TV5.

Paglilinaw ng direktor sa kanyang Facebook post, “Ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA ay hindi produced ng mga Jalosjos (Kaaway ng TVJ) o ng mga Discaya (Kalaban ni Vico).

“Hindi ako padidikta sa pelikulang pangarap gawin ng bawat Batang Gapo, hindi pulitikal ang pelikulang tungkol sa kababayan ko.

“Wala akong pake sa mga drama nila.

“Pero kung pakiramdam nila eh pabor sa kanila ang paglalahad ko ng buong kwento—at gusto nila akong bigyan ng pera—SINO BA NAMAN AKO PARA TUMANGGI?!

“Hindi ako mapagmalaking tao.

“Hindi ako mapride.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tag nyo nga,” ang buong pahayag ni Direk Darryl.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending