VP Sara, Imee Marcos nagpaplastikan lang o tunay talagang magkaibigan?

Imee Marcos at Sara Duterte
NAIS paniwalaan ni Vice President Sara Duterte na magkaibigan pa rin sila ni Sen. Imee Marcos sa gitna ng kinasasangkutan nilang mga isyu sa politika.
Ayon kay VP Sara, sa kabila ng mga nangyayaring gusot sa politika sa pagitan ng kanilang mga pamilya, mas gusto niyang isipin na nananatili pa rin ang friendship nila ng senadora.
“Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Wala namang problema doon,” ang pahayag ng bise presidente sa panayam sa kanya ng media sa The Hague, Netherlands kahapon, April 6.
Patuloy pa ni VP Sara, “I do not know her side, but I would like to believe that the friendship is already beyond politics.”
Kinumpirma rin ng vice president na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin sila ng kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Dalawa lang yun. It’s either nagpaplastikan kami or it’s really beyond friendship. I would like to believe that it’s beyond politics already,” ang sey pa ni VP Sara.
Kung matatandaan, naging mag-running mate si PBBM at si VP Sara noong 2022 elections sa ilalim ng “UniTeam.” Balitang nagkaroon ng falling out ang dalawang opisyal nang mag-resign si Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at bahagi ng gabinete ni PBBM.
Hanggang sa arestuhin na ang ang ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 11, at ikulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague dahil sa bisa ng arrest warrant ng ICC kaugnay ng mga nagawa umano nitong “crimes against humanity.”
View this post on Instagram
Si Sen. Imee naman ang namumuno sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng ginawang pag-aresto kay Duterte. Hindi nakadalo si VP Sara sa mga naunang pagdinig dahil nga nasa Netherlands siya at inaasikaso ang pangangailangan sa gagawing paglilitis sa ama.
Pero sabi ng vice president, “I am open in the future hearings in the event that she needs my input in the committee hearings that she is conducting in the Senate.
“At magkaibigan pa rin kami, ma’am, hanggang ngayon. Wala namang problema doon,” sabi pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.