Alam n'yo ba kung bakit iba-iba ang petsa ng Holy Week?

SemanaSanta2025: Alam n’yo ba kung bakit iba-iba ang petsa ng Holy Week?

Ervin Santiago - April 13, 2025 - 01:00 AM
SemanaSanta2025: Alam n'yo ba kung bakit iba-iba ang petsa ng Holy Week?

LAST year ang Mahal na Araw o Semana Santa ay ginunita mula March 24 hanggang March 31 at ngayong 2025 naman ay naka-schedule ito from April 13 to 20.

Knows n’yo ba mga ka-BANDERA kung bakit iba-iba ang petsa ng Semana Santa at nagbabago every year at hindi katulad ng Pasko, Bagong Taon at iba pang holiday sa Pilipinas?

Sa isang Facebook post na ni-repost ng San Roque Parish mula sa “100% Katolikong Pinoy” account, ibinabase ang magiging date ng Mahal Na Araw sa petsa ng Pasko Ng Pagkabuhay o Easter Sunday.

“Ang Easter ay isa sa mga MOVABLE FEASTS, walang eksaktong petsa ng pagdiriwang, di tulad ng Pasko ng Pagsilang na taun-taong pinagdiriwang tuwing Disyembre 25.

“May espesyal na sistema ang Simbahan upang malaman ang eksaktong petsa ng pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay,” ayon sa naturang FB post.

“Sa pagtaya ng petsa ng Easter, ginagamit ng Simbahan ang LUNISOLAR CALENDAR. Ito ay nakabase sa Phase of the Moon (Wangis ng Buwan),” sabi pa sa ulat.

Ibinatay umano ang petsa ng Easter sa full moon dahil nakatapat dito ang pagdiriwang ng Jewish holiday na “Passover” o “Pista ng Paskuwa.”

Ayon sa mga ulat base sa kasaysayan, pumanaw si Hesus sa petsang malapit sa pagdiriwang ng “Paskuwa,” at ito rin umano ang ipinagdiriwang ng Panginoong Hesus at ng Kanyang mga disipulo sa Huling Hapunan o Last Supper.

“Sa Konseho ng Nicaea (320), ipinahayag na ang nararapat na pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ay sa Linggo pagkalipas ng PASCHAL FULL MOON, kasunod ng VERNAL (Spring) EQUINOX (Ang pagkakapantay ng haba ng araw at gabi sa panahon ng Tagsibol).

“Konektado pa rin ito sa pagdiriwang ng mga Hudyo ng Pista ng Paskwa.

“Ito ay madalas na pumapatak sa isang araw ng Linggo sa pagitan ng March 22 (ang pinakamaagang petsa ng Easter) at April 25 (ang pinaka-late na pwedeng petsa ng Easter),” ang nakasaad pa sa post ng San Roque Parish.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong 2025, natapat ang Easter Sunday sa April 20, kaya naman magsisimula ang Semana Santa ngayong araw, April 13, o Linggo ng Palaspas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending