LIST: Mall Schedule sa Metro Manila ngayong Semana Santa 2025

LIST: Mall Schedule sa Metro Manila ngayong Semana Santa 2025

Pauline del Rosario - April 03, 2025 - 11:35 AM

LIST: Mall Schedule sa Metro Manila ngayong Semana Santa 2025

MGA Ka-Bandera, handa na ba kayo sa Holy Week break?

Kung plano ninyong magpunta sa mall, aba’y alamin niyo muna kung bukas ang inyong paboritong tambayan!

Maraming malls sa Metro Manila ang nag-anunsyo na ng kanilang schedule para sa darating na Semana Santa, kaya heto na ang listahan:

Ang Ayala Malls Manila Bay ay sarado sa April 17, Maundy Thursday, pati na rin sa April 18, Good Friday.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kamustahan sa likod ng ‘Incognito’, paano ba napili ang mga bida?

Pero huwag mag-alala, balik normal ang operasyon sa April 19, Black Saturday.

Ganu’n din ang SM Megamall –sarado rin ito sa parehong araw, at magbubukas muli sa April 19 mula 10 a.m. hanggang 10 p.m.

Samantala, ang SM City Manila ay sasabay rin sa temporary closure kagaya ng mga nabanggit na malls.

Pero sa Black Saturday, balik operasyon na rin ito mula 10 a.m. hanggang 9 p.m.

Kung may biglang need naman kayo sa grocery, no need to worry mga ka-BANDERA, dahil bukas ang SM Supermarket sa Megamall sa April 17 at 18, pero may adjusted hours:

April 17 (Maundy Thursday) – 8 a.m. hanggang 6 p.m.

April 18 (Good Friday) – 8 a.m. hanggang 5 p.m.

Ayon sa Proclamation No. 727 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, idineklarang regular holidays ang April 17 at 18 bilang paggunita sa Maundy Thursday at Good Friday.

Samantala, ang April 19 (Black Saturday) ay isang special non-working holiday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya bago magpunta sa mall, i-double check muna ang schedule para hindi maunsyami ang lakad!

At siyempre, gamitin din ang Semana Santa para sa pagninilay at pagdarasal, family time, o simpleng pahinga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending