Regine Velasquez hindi raw tugma ang schedule kay Jane kaya hindi natuloy sa 'Darna' | Bandera

Regine Velasquez hindi raw tugma ang schedule kay Jane kaya hindi natuloy sa ‘Darna’

Reggee Bonoan |January 27,2023
facebook
share this

Regine Velasquez hindi raw tugma ang schedule kay Jane kaya hindi natuloy sa ‘Darna’

Reggee Bonoan - January 27, 2023 - 05:27 PM

Regine Velasquez hindi raw tugma ang schedule kay Jane kaya hindi natuloy sa 'Darna'
PINADALHAN kami ng program statement ng “Darna” dahil hindi na tuloy ang guesting ni Regine Velasquez sa nalalapit na pagtatapos ng Mars Ravelo series ni Jane de Leon.

Salungat sa naunang kumalat na balita na diumano’y “nag-inarte” raw si Jane kaya hindi natuloy ang guesting ng Asia’s Songbird sa naturang series, ang tunay na dahilan raw ay hindi magkasundo ang schedule ng dalawa.

Mula sa ABS-CBN Corporate Communications, “Bilang paglilinaw, hindi natuloy ang guesting ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa “Mars Ravelo’s Darna” dahil hindi napagtugma ang schedule nila ni Jane de Leon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

“Buong puso kaming nagpapasalamat kay Regine sa malugod niyang pagtanggap sa aming imbitasyon.”

Matatandaang sinulat namin dito sa BANDERA nitong Enero 24 na may titulong ‘Jane de Leon nag-inarte raw kaya hindi natuloy ang pasabog ni Regine Velasquez sa ending ng Darna.’

Si Songbird kasi dapat ang makaka-face-to-face ni Jane sa ending bilang gumanap na rin itong Darna noong 2005 sa pelikulang “Captain Barbell” na ginampanan ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

Nakuha namin ang balitang ito sa programang “Cristy Ferminute” ni Nanay Cristy Fermin kasama si Romel Chika na napapakinggan sa Radyo5 92.3 News FM.

Base sa binasang mensahe ni ‘nay Cristy mula sa kanyang source, “May kuwento ako Inay. Si Regine Velasquez pala ang huling pasabog ng Darna. Walang kaabog-abog daw nu’ng sinabihan ng prod (production) si Regine um-oo nagbigay ng schedule at ni walang tanong magkano tf (talent fee). Sa kasamaang palad hindi natuloy dahil ang hitad na Jane de Leon pa-importante, gusto ng hitad double na lang daw ag iharap kay Regine tapos mag chroma na lang siya kasi kesyo madami dahilan ang hitad, kaya di pumatok ang Darna ay dahil hindi minahal ang lead.”

Ang tanong ano kaya ang pasabog ng “Darna” sa pagtatapos nila? Alamin sa finale mediacon ng “Darna” sa Lunes, Enero 30.

 

Related Chika:
Jane de Leon nag-inarte raw kaya hindi natuloy ang pasabog ni Regine Velasquez sa ending ng Darna

Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Jane de Leon binanatan ng netizen, binuhay ang pagiging Kakampink: Let’s boycott Darna!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending