Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie | Bandera

Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Therese Arceo |August 27,2022
facebook
share this

Regine Velasquez nagsalita na sa chikang hiwalay na sila ni Ogie

Therese Arceo - August 27, 2022 - 02:58 PM

Regine Velasquez sa chikang hiwalay na sila ni Ogie: Natawa ako kasi alam kong hindi
MAY pinagdaraanan nga ba ang celebrity couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid?

Kamakailan kasi ay sunud-sunod ang mga balita patungkol sa diumano’y paghihiwalay nila.

Kaya naman nang mag-guest si Ogie sa “Magandang Buhay” kung saan isa sa mga host si Regine ay napag-usapan nila ang mga kumakalat na isyu.

Mismong ang Asia’s Songbird ang nagtanong ukol sa tila pagkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama.

Bago pa man makasagot si Ogie ay nagbahagi na ng saloobin si Regine ukol sa mga kumakalat na tsismis.

Aniya, natatawa na lamang daw siya sa isyu dahil alam naman niya ang katotohanan sa kanilang relasyon.

Saad ni Ogie, “Hindi naman pwede mawalan ng basher ‘di ba? ‘Di ba kapag nakikita nila na ang liga-ligaya ninyo, ‘yun yung pupukulin. ‘Eh ‘wag mo na pansinin.”

“Natawa ako kasi alam kong hindi. We’ve been together for eleven years, magtu-twelve na. Sinasabi ko ‘to sa kaniya palagi [na] mas mahal ko pa siya ngayon kesa noong dati. I feel even closer to him now, especially nung pandemic,” sundot ni Regine sa sinabi ng asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Kwento pa ng Asia’s Songbird, laking pasasalamat niya raw dahil sa nangyaring lockdown dahil mas na-enjoy niya raw ang company kaya nga nahirapan siya at iyak siya nang iyak noong lumipad ito pa-Amerika para sa mga shows niya.

“He’s my best friend. I always say this. It’s wonderful to be married provided that you’ve married the right person,” dagdag pa ni Regine.

Singit naman ni Vhong na isa rin sa mga guest sa show, hindi siya naniniwala sa chikang hiwalay ang dalawa dahil very supportive raw ang Asia’s Songbird sa lahat ng ginagawa ng asawa

Sey naman ni Ogie, minsan daw ay kailangan ring unawain ang mga taong nangba-bash sa kanila.

“‘Di ba may kasabihan, ‘hurt people, hurt people.’ Minsan para hindi kayo maapektuhan ng bashing or magpaapekto sa pambabash, tingnan niyo muna, ‘Ano kayang pinagdadaanan nitong taong to?’” lahad ng “It’s Showtime” host.

Chika pa ni Regine, sa asawa rin niya natutunang deadmahin ang mga bashers.

“Ganoon kabait ‘yung asawa ko kasi siya nagsabi sa akin niyan pag may nangba-bash sa akin… Siya ‘yung nagsabi sa akin ng ‘Hon, siguro may pinagdaraanan’. Ganoon siya kabait, inisip pa niya ‘yung basher,” bahagi ni Ate Reg.

Ngayong araw, August 27 ay ang ika-55th birthday ni Ogie.

Related Chika:
Regine Velasquez inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Regine sa pagiging ‘third party’ sa hiwalayang Ogie at Michelle: Hindi ko naman sinasadya…kung maibabalik ko lang

Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending