Regine inireklamo ang socmed accounts na nakapangalan kay Nate: Sorry, I’m just trying to protect my son
Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Nate
UMAPELA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa netizens, partikular na sa mga gumagamit sa pangalan sa anak nila ni Ogie Alcasid sa social media.
Partikular na tinukoy ng Kapamilya singer-actress ang mga taong gumagawa ng kanilang mga accounts sa socmed gamit ang litrato at pangalan ni Nate.
Nakiusap siya sa mga ito na irespeto ang privacy ng anak lalo pa’t menor de edad pa ito at wala pang kamuwang-muwang sa paggamit ng internet at social media.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinost ni Regine ang screenshot ng isang TikTok account na may username na Booboobear_Nate, ang term of endearment ng Songbird sa anak.
Ito ang nakalagay sa caption ng IG post ng OPM icon, “Actually marami ng accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulut namin. Alam ko naman na basta na post na ang pictures eh kahit sino pwede na gamitin yun.
“Pero hindi ibigsanihin nun na ok lang sakin o sa asawa ko. Hindi ko na lang pinapansin yung ibang account kasi ang hirap din for us na hanapin pa lahat. You can post naman his pictures kasi nga like i said once ma post hindi na talaga mapipigilan.
“I guess hindi ako masyadong comfortable sa mga gumagawa ng accounts para sa kanya.
“Hindi naman siya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mga accounts na ito. Sorry but I’m just trying to protect my son. So please, please if you guys don’t mind, stop na,” pakiusap pa ni Regine.
Aniya, may nga ini-report na siyang accounts na nakapangalan kay Nate at ginagamit pa ang mga litrato nilang pamilya. May panawagan din siya sa kanyang mga fans at followers.
“If you guys noticed I hardly post his pictures na kasi nga bininigyan na namin siya ng privacy,” katwiran pa ng misis ni Ogie.
Ibinahagi rin ng Songbird sa Twitter ang kanyang pagkadismaya dahil dumarami na nga ang fan-made accounts gamit ang pangalan at litrato ng anak sa iba’t ibang social media channels.
View this post on Instagram
“Ang hindi ko gusto kasi ‘yung ginagamit name niya. Why? Because for the longest time hindi ko (magamit) ‘yung sarili kong pangalan dahil ginamit niyo na.
“I just don’t want him to experience that. I also don’t want people exploiting my photos of him. You guys are breaking my heart,” sabi ni Regine.
Dumepensa rin ang singer sa lahat ng mga nagsasabing bakit humihingi siya ng privacy para sa anak gayung ginawan naman nila ito ng sariling YouTube channel.
“The point is that account is his. He asked us if he can have one, plus we have a group of people producing them.
“Most of all it’s with our supervision. That’s his, not someone using his name and stealing my pictures,” paliwanag ng nag-iisang Asia’s Songbird.
https://bandera.inquirer.net/292430/sinabihan-akong-hindi-sisikat-kasi-pangit-talaga-ba-lets-see
https://bandera.inquirer.net/280333/regine-ogie-2-weeks-hindi-nayakap-nahalikan-si-nate-hinikayat-ang-mga-pinoy-na-magpabakuna
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.