Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko...ganyan siya kasimple, super mom & super wife! | Bandera

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Ervin Santiago |August 24,2022
facebook
share this

Ogie super proud kay Regine: Flex ko lang ang asawa ko…ganyan siya kasimple, super mom & super wife!

Ervin Santiago - August 24, 2022 - 06:39 AM

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

TALAGANG nagsakrpisyo ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang nagpapagaling ang kanyang asawang si Ogie Alcasid matapos tamaan ng COVID-19.

Todo ang pasasalamat ng Kapamilya singer-songwriter kay Regine dahil sa pag-aalaga at pagsasakripisyo nito noong naka-self-quarantine siya sa kanilang bahay.

Talaga raw nag-extra effort ang kanyang wifey upang masigurong ligtas sila ng kanilang anak na si Nate at hindi mahawa ng virus. Ito ang unang pagkakataon na nahawa siya ng COVID-19 kahit na nga bakunado na at may booster pa.

Nagbahagi si Ogie sa kanyang Instagram account ng litrato ni Regine habang natutulog sa kanilang living room at habang siya naman ay naka-isolate nga sa kanilang kwarto.

Sabi ni Ogie, si Regine ang nagpumilit na sa kanilang sala matulog para raw maalagaan siyang mabuti pati na rin ang nag-iisa nilang anak.

View this post on Instagram

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid)


“Flex ko lang ang asawa ko. While I was in isolation, she stayed here in the living room despite having no real space to herself.

“Sabi ko, dyan na lang ako but she insisted to stay here because she had to take care of Nate too,” ang caption ni Ogie sa kanyang IG post.

Hirit pa niya, “Ganyan siya kasimple at ka maalagain. Super Mom and Super Wife. Salamat mahal.”

Nag-comment naman ang ilang mga kaibigan ng celebrity couple sa showbiz kabilang na riyan sina Zsa Zsa Padilla, Jugs Jugueta, Jolina Magdangal, Angeline Quinto, Lovi Poe, Darren Espanto at Kuh Ledesma.

Sey ni Jugs, “Ang guwapo mo!!! Bigyan mo ng helmet, baka mauntog! Miss you Kuya O!”

Reaksyon ni Jolina, “I super love you both Kuya @ogiealcasid and Ate @reginevalcasid.”

Mensahe naman ng OPM icon na si Kuh Ledesma, “SUPER Mapalad ang Ogie A.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong August 14 kinumpirma ni Ogie na tinamaan nga siya ng COVID, “After two and a half years since the lockdown, today Aug. 14 2022, inabot din. Let’s do this Lord.”

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Regine umiiyak habang minamasahe ni Ogie: I’m so, so, so in love with my husband!

Ogie naging ‘kawawa’ raw nang pakasalan si Regine, nabawasan nga ba ang kasikatan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending