Taxi driver bibigyan ng P20k reward matapos magsauli ng P2.4-M

Taxi driver bibigyan ng P20k reward matapos magsauli ng P2.4-M

Ervin Santiago - January 23, 2025 - 12:40 AM

Taxi driver bibigyan ng P20k reward matapos magsauli ng P2.4-M

Anthony Aguirre

GAGAWARAN ng “Honorary Citizen of Iloilo City” ang isang taxi driver na nagsauli ng P2.4 million in cash na naiwan sa minamaneho niyang sasakyan.

Bukod sa ibibigay na pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Iloilo, bibigyan din ng P20,000 pabuya si Anthony Aguirre, nang dahil sa ipinakita niyang katapatan.

Ang 52-anyos na taxi driver ay mula sa bayan ng Pavia at isa sa mga empleyado ng A&A Marie Taxi.

Ayon sa ulat, walang pag-aatubiling ibinalik ni Anthony ang naiwang backpack ng kanyang pasahero na naglalaman ng tumataginting na P2.4 million.

Base sa kuwento ng taxi driver, January 17, 2025 nang naisakay niya ang babaeng pasahero na nagmula sa isang hotel at nagpahatid sa Lapuz roll-on, roll-off wharf na patungong Palawan province.

At kinabukasan, January 18, ay tinawagan ng staff ng Iloilo City Police Office-Lapuz Police Station ang operator ni Anthony.

Baka Bet Mo: Melai napiling ‘honorary ambassador’ para sa Korea Family Tourism

Dito na nga sinabi ng mga otoridad ang pagdulog sa kanila ng babaeng pasahero na isa palang negosyante, ang tungkol sa naiwan niyang backpack.

Agad daw na tsinek ni Anthony ang kanyang taxi at doon nga niya nadiskubre ang backpack. Dinala agad ng driver sa istasyon ng pulis ang bag para maibalik sa may-ari.

“Malaki ang pasasalamat ko kahit walang ibigay na pera sa akin kung gano’n kagrabe ang nakita ko. Sobra pa sa milyon ang aking naramdaman,” ayon sa isang panayam kay  Anthony.

“Sa panahon ngayon bihira ka na lang makakakita ng mga honest. Tayo nga na may trabaho, kinukulang tayo financially. So kumbaga, hindi siya nagdalawang-isip na itago o ano. Ang naisip nya, ibalik,” ang pahayag naman ni Captain Lester Oliveros, Police Station 8 chief.

Mensahe naman ni Elna Aguirre, misis ni Anthony, “Happy ako sa aking asawa. Nakatagpo siya ng pera tapos ibinalik nya kasi hindi naman dahil totoong nangangailangan rin kami, kundi dahil hindi sa amin yon.”

Pinuri naman ng tanggapan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas si Anthony dahil sa ipinamalas nitong kabutihan. Ayon sa alkalde ang ginawa ng driver ay nagpapakita lamang ng integridad at katapatan ng mga Ilonggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa nj Mayor Treñas, “Tony’s story is an inspiration.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending