Melai napiling ‘honorary ambassador’ para sa Korea Family Tourism
MUKHANG mapapadalas ang pamamasyal ni Melai Cantiveros kasama ang kanyang buong pamilya sa South Korea!
Si Melai kasi ang itinalaga ng Korea Tourism Organization (KTO) bilang bagong “honorary ambassador” for Korea Family Tourism ng Pilipinas.
Ang masayang balita ay proud na ibinandera ng komedyana sa kanyang Instagram kamakailan lang.
Ibinida pa nga niya ang ilang pictures at videos ng kanyang ceremonial appointment kasama ang buong pamilya –ang kanyang mister na si Jason Francisco, ang dalawang anak na sina Mela at Stela, at ina ni Melai na si Virginia.
“Kamsahamnidaaa mga Kamsamiii kung ‘di dahil sa inyo ‘di kami mapipili na maging ambassador and ambasadress ng KTO as Korean Tourism Ambassador Family [Korean flag, finger heart emojis],” sey ng celebrity mom sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak
Mensahe pa niya sa fans, “This opportunity ay para sa inyo mga Kamsamiiii, ipapakita namin sa inyo ang mga happiness namin dito sa Korea.”
“This appointment ay para sa inyo, at ina-appoint namin kayo mga Kamsamiii na Best Viewers Awards,” wika pa ni Melai.
Ani pa niya, “Salamat/kamsamiii sa inyong supports SarangheyoOoOoOoO [red heart, smiling face with heart eyes emojis]”
View this post on Instagram
Sa comment section, tuwang-tuwa ang netizens at karamihan sa kanila ay sinasabing deserving ni Melai ang naturang pagkilala.
Heto ang ilan sa mga nabasa namin:
“Ang taray! So proud of you [folded hands emoji] you deserve everything [smiling face with hearts emoji[“
“Congratulations Momshie and Family. Dasuuuuurv [red heart emoji]”
“deserved na deserved [heart emojis]”
“Congratulations Francisco Family! You deserved it!”
“Deserved! Congratulations ate Melai and fam [clapping hands, red heart emojis]”
Ayon sa ABS-CBN News, sinimulan ni Melai ang kanyang tungkulin bilang honorary ambassador ng KTO noon pang May 21 at ito ay matatapos sa May 20 sa susunod na taon.
“As the honorary ambassador for family tourism, Cantiveros will be the ‘celebrity representative for the Korea Tourism Organization’s family tourism promotional campaigns, programs, and events in the Philippines’,” sey sa report ng media giant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.