Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

Pauline del Rosario |April 01,2024
facebook
share this

Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

Pauline del Rosario - April 01, 2024 - 09:53 AM

Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

PHOTO: Facebook/MELASON

HINDI na napigilang sagutin ng celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang mga epal na bashers matapos pag-initan umano ang kanilang bunsong anak na si Stela.

Ang tinutukoy namin dito ay ‘yung viral video sa MelaSon Facebook page na mapapanood ang naging conversation ni Melai at Stela nitong nagdaang Holy Week.

Mapapanood na umiiyak ang bunsong anak ng komedyana matapos magdasal at inamin na naiintindihan na raw niya kung bakit nagsakripisyo si Hesukristo.

Habang maraming netizens ang tuwang-tuwa at super touched, may ilang haters din ang tila nanira ng moment.

May isang netizen na nagsabing pinagtatrabaho na ang anak ng celebrity couple sa murang edad.

Baka Bet Mo: Anak ni Melai nag-cry habang nagdarasal sa paggunita ng Holy Week

“Naghahanapbuhay na din,” komento ng basher.

Sagot naman ng MelaSon, “‘Di naman niya kailangan maghanapbuhay [grinning face with sweat].”

“Pray for your heart para mabago mo ang tingin mo sa bagay bagay,” payo pa ng mag-asawa.

Paliwanag pa nila, “Masarap kasi i-share ang ganito dahil bata pa lang sila alam na nila kung sino si Jesus.”

Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

PHOTO: Screengrab from Facebook/MELASON

May isa pang hater na humirit at sinabing “scripted” ang nakakaantig na video ng mag-ina.

“Dramatization,” ani ng hater.

Tugon ng couple, “Wala naman po script [grinning face with sweat].”

“Katatapos lang niya po magdasal kaya she’s filled with the Holy Spirit [red heart, folded hands emojis]. Ano po ba ang paniniwala niyo at mukhang ‘di kayo tinamaan?” wika pa ng mag-asawa

Baka Bet Mo: Jason pinakilig si Melai, 2 anak ‘nung Valentine’s Day: ‘You’re so sweet!’

Melai, Jason umalma sa komentong pinagtatrabaho na ang anak

PHOTO: Screengrab from Facebook/MELASON

Maraming netizens at fans naman ang nagtanggol sa pamilya at napagsabihan pa ang bashers.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Napaka pure ng heart ni Stela, nakakalungkot po na hindi man lang ninyo ‘yun nakita o naramdaman. Kung paano po tayo manghusga sa kapwa natin ganun din po tayo huhusgahan ng Panginoon. Gabayan po nawa kayo ng Panginoon kuya [folded hands emoji].”

“Nakakaawa ‘yung ganitong tao. Kulang sa pagmamahal kaya ganito utak meron ‘to. Bata bata pinag-iisipan ng masama.”

“Bulok na mindset [vomiting face emoji] kawawa naman magiging anak nito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay lang ‘yan kung ‘di ka mahal ng nanay mo [laughing emojis]. Wag kang bitter sa bata. Dasal dasal din kasi pag may time.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending