Jason pinakilig si Melai, 2 anak ‘nung Valentine’s Day

Jason pinakilig si Melai, 2 anak ‘nung Valentine’s Day: ‘You’re so sweet!’

Pauline del Rosario |February 17,2024
facebook
share this

Jason pinakilig si Melai, 2 anak ‘nung Valentine’s Day: ‘You’re so sweet!’

Pauline del Rosario - February 17, 2024 - 10:33 AM

Jason pinakilig si Melai, 2 anak ‘nung Valentine’s Day: ‘You’re so sweet!’

PHOTO: Facebook/Jason Francisco

MARAMI ang kilig na kilig sa simple but sweet surprise ni Jason Francisco para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros at mga anak na sina Mela at Stela.

Sa Facebook, ibinandera ni Melai ang naging ganap nilang pamilya noong Valentine’s Day.

Caption sa post, “Very sweet surprise ni Papang [smiling face with hearts emojis].”

Mapapanood sa video na humihiyaw sa kilig ang kanilang mga anak dahil bukod kay Melai, nabigyan din ng rosas ang dalawang tsikiting.

Kasunod niyan ay inabot ng aktor ang paboritong tsokolate ni Melai.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

“Your favorite,” sey ni Jason habang binibigay ang chocolates sa komedyana.

Naantig naman si Melai sa kanyang mister at sinabing: “You’re so sweet, my love.”

Sagot naman sa kanya ni Jason, “Hindi ako sweet,” at sabay abot ng isang box ng macarons sa kanilang mga anak.

Hindi pa riyan natatapos ang pasabog ni Jason dahil may iniabot siyang maliit na pink box kay Melai na may lamang kwintas.

Maliban sa pamilya, hindi rin nalimutan ni Jason na regaluhan ang mga kasama nila sa bahay at binigyan niya ito ng mga tsokolate.

Sabi tuloy sa kanya ni Melai, “Wow! Ang sweet naman pati mga kasama namin sa bahay [meron din].”

Sa comment section, maraming fans ang natuwa at pinuri ang sweet gesture ni Jason hindi lang sa kanyang pamilya, kundi sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Wow the best ka [red heart emoji] you’re the best husband and father.”

“Parang husband ko hehehe…lahat kami binigyan flowers. hehe napaka thoughtful.”

“Love this fam kahit magulo pero masaya [happy face emojis].”

“Love ko ang family na ‘to [heart emojis] sobrang natural. Belated happy valentine’s [heart emojis]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nabuo ang loveteam MelaSon noong 2009 nang sumali ang mag-asawa sa reality TV competition na “Pinoy Big Brother” at mula noon ay nag-umpisa na ang kanilang relasyon.

Taong 2013 nang ikinasal ang celebrity couple at biniyayaan ng dalawang anak na sina Mela at Stela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending