Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: 'Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila' | Bandera

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Ervin Santiago |February 07,2023
facebook
share this

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Ervin Santiago - February 07, 2023 - 07:21 AM

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: 'Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila'

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela at Stela Francisco

KAALIW ang naging reaksyon ng mga anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco nang makita ang poster ng kanilang advertisement para sa isang fashion brand.

Shookt at talagang super na-excite sina Mela at Stela Francisco pagkakita sa mga mukha nila sa nasabing promotional material.

Ibinahagi ni Melai sa kanyang Instagram account last February 2 ang nakakatuwang reaksyon at precious moment ng kanyang dalawang anak.

“Di makapaniwala aking Ate at Baby na nasa Mall mukha nila. Cute nmn mga mahal ko ui,” ang pahayag ng TV host-comedian.

Kitang-kita sa video na talagang natulala sina Mela at Stela habang nakatitig sa mga litrato nila na naka-post sa facade ng ineedorso nilang clothing store.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Ayon kay Melai, todo-todo ang pasasalamat ng kanyang pamilya dahil sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanila ni Jason pati na rin sa kanilang mga anak.

“Kaya Thank you tayu kay Lord na may nagtiwala sa inyu,” ang sabi pa ng komedyana.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens pati na ng mga kaibigang celebrities nina Jason and Melai sa kanilang mga anak na sikat na sikat na rin ngayon.

May mga tagasuporta rin sina Melai at Jason na nangakong ipagdarasal na magkaroon pa ng maraming-maraming projects sina Mela at Stela.

Sumikat talaga nang bonggang-bongga sa social media ang “chicken nuggets” reaction video ng magkapatid na talagang nagpasabog ng good vibes sa buong universe.

At mula nga noon, nagsunud-sunod na ang mga guesting nila sa iba’t ibang TV show at nagkaroon pa nga ng mga brand endorsements.

Nabanggit ni Melai sa isang panayam na open siya sa possibility na maging artista rin ang mga anak pero kailangang tapusin pa rin nila ang kanilang pag-aaral.

“Pero ang focus talaga nila is school, pero kahit papaano nakikitaan ko kasi na ini-invite-invite sila kasi natatawa mga tao sa kanila,” aniya pa.

Jason Francisco ‘babe’ ang tawag kay Sunshine Cruz: Parang na-feel ko lang…

Pangarap ni Zeinab Harake na makita’t mayakap si Marian Rivera natupad na; na-starstruck sa DongYan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending