B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay Bandera

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Ervin Santiago |April 07,2021
share this

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Ervin Santiago | April 07,2021 - 03:41 PM

IBINANDERA at ipinagsigawan muli ni Jason Francisco sa buong universe ang kanyang pagmamahal para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros.

Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kahapon, April 6, nakatanggap ng touching message si Melai mula sa kanyang mister at iba pang kaibigang celebrities.

Sa isang vlog, ibinahagi ni Jason ang naging pagsalubong nila sa birthday ni Melai kung saan pinatunayan niya ang pagiging mabuting asawa at ina ng TV host-comedienne.

“Gusto ko lang batiin ng isang napakasayang happy, happy birthday siyempre ang aking bebe, ang aking chick, ang aking nag-iisang asawa.

“Gusto ko lang naman na maging masaya ka sa araw na ito. Siyempre gusto ko mag-thank you sa iyo dahil sa napakabuti mong asawa at isa kang napakabuting nanay sa ating mga anak,” pahayag ni Jason.

“More birthdays to come. My wish is always to have you with me. Siyempre ang wish ko is good health.

“Number 1 ‘yan. Number 2, sana ay safe ka always siyempre with me. We love you, I love you and I love you again,” chika pa ng Kapuso comedian.

Last December lang ay nag-celebrate sina Jason at Melai ng kanilang 7th anniversary bilang married couple at biniyayaan nga ng dalawang anak.

Samantala, nag-post din ng birthday greeting si Jolina Magdangal para kay Melai sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.

“Salamat sa pakikinig sa aking mga kwento tungkol sa pagiging asawa at nanay. Dami na natin napagdaanan Momshie Melai na nagpatibay ng ating friendship.

“Bilib ako sa pag-iingat na ginagawa mo sa pandemyang ito. At ‘pag kasama ka, lagi lang masaya kaya ‘di ramdam na may pandemya,” pagbati ni Jolina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending