Netizens nakilala na ang ‘new girl’ ni Kobe Paras

Netizens nakilala na ang ‘new girl’ ni Kobe, singer daw ang ipinalit kay Kyline

Pauline del Rosario - April 27, 2025 - 10:39 AM

Netizens nakilala na ang ‘new girl’ ni Kobe, singer daw ang ipinalit kay Kyline

Kobe Paras and Kyline Alcantara, Rhaila Tomakin

MUKHANG hindi tumigil ang ilang Marites sa paghahanap kung sino ang bagong girl ni Kobe Paras na ipinalit kay Kyline Alcantara.

Biruin niyo, nahanap at nakilala na nila agad kung sino ang mystery girl na ka-holding hands ng basketball player nang magbakasyon sa Bali, Indonesia.

Base sa mga nag-trending sa social media, ang girl daw ay si Rhaila Tomakin!

Nang ni-research namin ang dalaga, nakita namin na isa pala itong singer at under siya ng O/C Records na pagmamay-ari ng celebrity couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Baka Bet Mo: Kyline, Kobe nagbura na ng pictures nila sa IG, hiwalay na kaya?

Anyway, paano nga ba nalaman ng netizens na si Rhaila ang third party umano sa relasyon nina Kobe at Kyline?

Nakita kasi nila na nag-post ang dalawa sa kani-kanilang Instagram Stories na may parehong background.

Tila kuha ang mga litrato sa sinasabing nirentahang Airbnb na bahay sa Bali.

Pero siyempre, hindi pa natin sure ‘yan dahil nakita rin namin sa mga posts na may mga kasama silang friends doon.

@kachen11 mainit init na issue bagong girlfriend ni Kobe paras?na #rhaila #kylinealcantara #kobeparas #fyipシツ #fy #tiktoknews #fyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa #highlights ♬ original sound – ms.white🤍

Gayunpaman, marami na ang bumatikos at namba-bash kay Rhaila, pati na rin kay Kobe.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“‘Yan ung nakakagigil na babae, ‘yung alam niyang may gf ‘yung guy.”

“Ito naman si girl panay dikit or sabihin na natin dinikitan siya ng guy, still, sana as a woman, nag-back off na siya agad. RESPETO na lang dun sa gf ng guy hayss. Kainis!!!”

“Gusto din ni Rhaila talaga na ma-issue siya kaya nag-My Day din siya. Hahahaha.”

“Grabeee parang nagpalit lang ng damit si boy bilis palitan si Kyline.”

“Hate ko talaga mga babaeng pumapatol kahit alam naman na may jowa. Hindi din ‘yan sayo magtatagal girl.”

Magugunitang nagsimula ang chikang naghiwalay na sina Kyline at Kobe nang mapansin ng fans na naka-unfollow na sila sa isa’t-isa sa Instagram.

Kasunod niyan ang viral pictures ni Kobe na may ka-holding hands na ibang babae sa Bali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa riyan ay may mga nakarating rin kay Kyline na nagdadala ng mga babae sa private room ang basketball player na ikinagalit ng Kapuso star.

Samantala, bukas ang BANDERA sa panig nina Kobe at Rhaila upang linawin ang kumakalat na isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending