Melai, Jason nag-duet sa kantang ‘Palagi’, TJ Monterde napa-react
KILIG na may kasamang tawanan ang hatid ng celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco matapos nilang ibandera ang kanilang sariling version ng kantang “Palagi” ni TJ Monterde.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ng TV host-comedienne ang kanilang video ng asawa na kumakanta habang sila ay nasa bakasyon.
“This is our second set with me my Papang our “Palagi ” Gone Wrong Version,” saad ni Melai sa kanyang caption.
Sa unang bahagi ay si Jason muna ang kumanta na sinundan namang ng “Pinoy Big Brother: Double Up” Big Winner.
Baka Bet Mo: Melai Cantiveros muntik nang sumuko matapos ang 1st round ng PBB audition
View this post on Instagram
Aliw na aliw rin ang naging pag-birit ni Melai sa kanta.
May maririnig pa nga sa background na kaboses na raw niya si KZ.
Biro naman ni Jason kay Melai, “KZ… KZ Montero.”
Sa huli ay nag-sorry pa ang komedyana sa “gone wrong” version nila sa kanta.
“sorry tlaga @tjmusicmonterde and @kztandingan,” sey pa ni Melai.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens maging sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang kanilang duet.
Sa katunayan, maging ang singer ng kanta na si TJ Monterde ay nag-react sa kanilang video.
“ay grabe. idelete na lang nako tong nasa spotify te, kani na lang,” sabi ni TJ.
Narito pa ang ilang kwelang comment sa video nina Melai at Jason.
“Naka tulog panga yung bata.”
“Jusko Melai may karga ka palang batang natutulog!!! Hahahahahahahhahaha.”
“Namugos man sa kiss na hahahahahha idolaaaaaa.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.