Maris tumanggap ng award sa Far East Film Fest, biglang nag-‘Italian’ sa entablado

PHOTO: Instagram/@project8projects
“ANONG pinagsasabi mo?” ito ang narinig naming tanong ni Direk Antoinette Jadaone sa katabing si Maris Racal sa thank you speech nito in Italian language habang nasa entablado sila.
Sa lengguwaheng Italyano ay pinasalamatan ng aktres ang organizer ng Far East Film Festival dahil muli siyang nakabalik sa Italy na pati ang host ng event ay nagulat din sa dalaga.
Aniya, “Sono molto felice di essere tornata in Italia (I am very happy to be back in Italy), È uno dei posti più belli del mondo (It is one of the most beautiful places in the world), Sono molto felice di essere tornato al Far East Film Festival. Siamo onorati di mostrarvi il nostro film, Sunshine (I am very happy to be back at the Far East Film Festival. We are honored to show you our film, Sunshine).”
“What did you say?” tanong ulit ni Direk Tonette kay Maris.
Baka Bet Mo: Iñigo Pascual may inamin tungkol sa naging relasyon nila ni Maris Racal
“I said thank you,” kaswal na sabi ng aktres.
Palakpakan ang mga nasa audience at may mga narinig kaming ang husay daw ni Maris mag-Italian na tila doon siya nakatira.
View this post on Instagram
Ang husay nga ni Maris magsalita ng nasabing lengguwahe at naisip namin na malaki ang naitulong ng karakter ng aktres sa seryeng “Incognito” bilang si Gabriella o Gab dahil nag-aral siya ng wikang Italyano.
At base sa pagkakatanda namin ay inabot sila ng halos isang buwan sa Italya kung saan nag-shooting si Maris ng ilang episodes ng “Incognito” kasama sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Baron Geisler, Anthonny Jennings at Daniel Padilla na kasalukuyang napapanood ngayon sa Kapamilya channel, TFC, at Netflix.
Anyway, Ipinalabas ang pelikulang “Sunshine” ni Maris sa katatapos na Far East Film Festival in Udine, Italy at dito’y naging emosyonal ang aktres nang mapanood niya ang pelikulang sinulat at idinirek ni Antoinette Jadaone produced ng Project 8 Projects.
Isang figure skating sa Olympics ang karakter ni Maris sa pelikula pero dahil sa isang aksidente ay hindi na siya nakasama sa batch na lalaban sa nasabing palaro at dito na siya nagkaroon ng mental health problems.
Kabilang din ang pelikulang “Sunshine” sa nanalong Crystal Bear for Best Film sa nakaraang 75th Berlin International Film Festival (Berlinale), nominado rin bilang Best Youth Film sa Asia Pacific Screen Awards at nagkaroon din ito ng world premiere sa Toronto International Film Festival (TIFF).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.