Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng 'hiwalayan' issue, ano nga ba ang totoo? | Bandera

Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Therese Arceo |May 19,2023
facebook
share this

Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Therese Arceo - May 19, 2023 - 02:51 PM

Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng 'hiwalayan' issue, ano nga ba ang totoo?
TILA hindi pa rin nakakatakas sa isyu at patuloy pa ring iniintriga ng madlang pipol kung hiwalay na nga ba ang dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang nagtatanong kung ano na nga ba ang lagay ng kanilang relasyong mag-asawa.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay may kumalat na chikang tila may pinagdaraanan ang dalawa dahil may mga nakakapansin na tila “missing in action” si Jason sa mga ibinabahaging ganap ni Melai sa kanyang Instagram page.

Una na niyang itinanggi ang isyung hiwalay na sila at sinabing walang katotohanan ang chismis.

At sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa “Showbiz Update” vlog ng huli ay muling ipinagdiinan ni Melai na going strong ang kanilang relasyon at not true ang hiwalayan issue.

“Ang totoo talaga, hindi ko na siya pina-follow. Chareng,” tumatawang biro ng TV host-comedienne.

Pagpapatuloy pa niya, “Nasa bahay si Jason.”

Baka Bet Mo: Melai naglabas na ‘resibo’ na magkasama pa rin sila ni Jason: ‘Hayan na po ang hinahanap n’yo, buhay na buhay…walang kahit anong sugat’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Pag-e-explain pa ng “Pinoy Big Brother” big winner, may mga pagkakataong hindi talaga niya ibinabandera ang asawa dahil ang mga post niya ay may kinalaman sa trabaho o minsan ay dahil may tampo o galit siya rito.

“Hindi ko siya napo-post this moment in time para gigilin kayo na hanapin si Jason kung nasaan siya,” sey ni Melai.

“Hangga’t hindi nyo sya hinahanap, dun ko na siya ipo-post,” natatawang hirit pa niya.

Biniro naman ni Ogie si Melai kung may babae ba si Jason na agad naman nitong dinenay.

“Hoy wala! Mabait ‘yung asawa ko. Hindi ‘yun nagti-third party. Ako lang ang may pa-party party!” pagdyo-joke pa niya.

Sey nina Ogie at Mama Loi, dapat raw ay makampante na ang publiko na maayos ang relasyon nina Melai at Jason lalo na’t normal naman sa mga mag-asawa ang paminsan-minsang tampuhan, inisan, at awayan habang tumatagal ang kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Melai sa nakakalokang reaksyon ng 2 anak nang makita ang kanilang poster: ‘Hindi sila makapaniwala na nasa mall ang mukha nila’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending