Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim | Bandera

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Therese Arceo |August 25,2022
facebook
share this

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Therese Arceo - August 25, 2022 - 09:07 PM

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

VIRAL ngayon ang TikTok video ng Kapamilya TV host at comedienne na si Melai Cantiveros dahil sa nakakalokang reaksyon niya nang makita ang kanilang bill sa kuryente.

Base sa video ay umabot ng P20,000 ang kanilang naging bill sa loob lamang ng isang buwan.

Sa naturang TikTok video ay gumamit pa si Melai ng visual effects para maipakita kung gaano siya ka-shocked sa babayaran niya.

Aware naman ang Kapamilya TV host sa dahilan kung bakit mataas ang babayaran niya sa kanilang kuryente dahil naging mataas rin ang kanilang konsumo.

“Dahil [dito] nagbakasyon in 1 month ang mga pinsan ni Mela at Stela. Well well well sabi ng kuryente its PayBackTime,” saad ni Melai.

Umabot na sa 132k views ang naturang TikTok video at mayroon na rin mahigit 4k reactions.

Ilan sa mga nag-comment ay sina Kim Chiu, Karen Reyes, Karla Estrada, at Gelli de Belen.

Sey naman ni Karen Reyes, “HAHAHAHAHAHHAAH ATE MEEELSSS!”

“Hala nahimoot kaayo ko miga!!!! hahahahahahahah angayan kaayo ka!” saad ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)

Speaking of Kim Chiu, hindi naman niya maitago ang pagka-proud niya sa kanyang dyowang si Xian Lim dahil unti-unti ay naaabot na nito ang pangarap niya.

Nagkaroon kasi ang aktres ng Q&A sa kanyang Instagram followers at isa sa mga natanong ay kung gaano nga siya ka-proud sa Kapuso actor.

“How proud of you of your now-director boyfriend @xianlimm?” tanong ng isang netizen.

“Super super beyond mega uber proud of him!” sagot ni Kim.

Napagbigyan kasi ng GMA ang matagal nang pangarap ni Xian na makapag-direct ng isang episode ng “Wish Ko Lang”

Kaya naman hindi mapigilan ng Kapamilya actress ang maging masaya para sa kanyang longtime dyowa.

“That’s his passion and so happy that he is living one of his dreams! Congrats direk xian! @xianlimm yes…. Lodi!!!!!!!” dagdag chika pa ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Nadine nag-mall show sa Pampanga, isang fan biglang umiyak sa stage, anyare?

Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos

Slater Young naka-save ng P16k kada buwan sa binabayarang kuryente, anyare?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending