Melai naglabas na 'resibo' na magkasama pa rin sila ni Jason: 'Hayan na po ang hinahanap n'yo, buhay na buhay...walang kahit anong sugat' | Bandera

Melai naglabas na ‘resibo’ na magkasama pa rin sila ni Jason: ‘Hayan na po ang hinahanap n’yo, buhay na buhay…walang kahit anong sugat’

Ervin Santiago |April 16,2023
facebook
share this

Melai naglabas na ‘resibo’ na magkasama pa rin sila ni Jason: ‘Hayan na po ang hinahanap n’yo, buhay na buhay…walang kahit anong sugat’

Ervin Santiago - April 16, 2023 - 11:20 AM

Melai naglabas na 'resibo' na magkasama pa rin sila ni Jason: 'Hayan na po ang hinahanap n'yo, buhay na buhay...walang kahit anong sugat'

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela at Stela Francisco

TINULDUKAN na ng Kapamilya TV host at komedyanang si Melai Cantiveros ang mga maiintrigang chika tungkol sa pagsasama nila ni Jason Francisco.

Marami kasing netizens ang nagtatanong kung nagsasama pa rin daw sila ng kanyang asawa sa iisang bubong at kung maayos pa ba ang kanilang relasyon ngayon.

Ang issue ng mga Marites, hindi na raw kasi masyadong nagpo-post si Melai sa social media ng mga sweet photos nila ni Jason, partikular na sa Instagram kaya naman ang feeling nila, may pinagdaraanan ang celebrity couple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tulad na lang ng isang video na ipinost ng komedyana noong mag-celebrate siya ng kanyang birthday last April 7, kung saan mapapansing hindi nito kasama si Jason.

Ang nakalagay sa caption ng IG post ng TV host, “Slamat Lord (praying hands emoji). Salamat Ginoo sa imung kaayu.

“All credits to you Lord God sa life na gihatag nmu sa ako. Salamat sa lahat ng nagreets na di kopa narereplyan kasi di kopa maisa isa kayu mga mahals.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

“Pero nabasa ko lahat at sobra ko naappreciate mga greetings ng love nyu sa akin/amin. Sa Family and Friends ko salamat Love u all. You all make my birthday special (heart emoji),” mensahe pa ni Melai.

Sa comments section ay may mga IG followers si Melai na nagtanong kung bakit wala sa video si Jason. May mga nagsabi pang baka raw sinadya ng komedyana na huwag ipakita ang asawa sa kanyang video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kamakalawa, April 14, muling nagparamdam si Melai sa madlang pipol sa pamamagitan ng bagong video sa Instagram Story kung saan kasama niya si Jason.

Chika ni Melai, “Good morning mga Kapisanan ng mga Marites sa Pilipinas. OTW to @_magandangbuhay live na live.

“Hehehehe asawa po ako hindi po ako Pulis. Hanapan ng nawawalang tao hihihihi.

“Hayan napo hinahanap nyu… buhay na buhay walang kahit na anung sugat. Pinagdrive napo tayo mga ka Mari,” ang paglilinaw pa ng Kapamilya host sa kumakalat na issue sa kanila ni Jason.

Taong 2012 nang maghiwalay sina Melai at Jason dahil sa ilang personal na kadahilanan ngunit nagkaayos din sila makalipas lamang ang ilang buwan.

In fairness, mukhang wala naman talagang issue ngayon sa pagitan ng mag-asawa na biniyayaan na ng dalawang anak na babae – sina Mela at Stela Francisco.

#MayEbidensiya: Julia Montes hindi buntis, sasabak sa action movie kasama si Arjo Atayde

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending