Melai natatakot interbyuhin si Annabelle Rama; may gustong malaman kay Ellen
KUNG may isang celebrity na natatakot interbyuhin ni Melai Cantiveros sa kanyang online at digital show na “Kuan on One“, yan ay walang iba kundi si Annabelle Rama.
Iyan ang rebelasyon ng TV host-comedienne sa naganap na presscon para sa pagsisimula ng second season ng “Kuan on One” na napapanood sa iWantTFC at Kapamilya Channel.
Sey ni Melai, hindi niya inaasahan na magkakaroon ng season 2 ang kanyang first ever Bisaya show at magkakaroon ng more than 15 million views at isa ngayon sa mga top content on iWantTFC.
“Hindi ko talaga in-expect ito na magkaroon ng season 2. Alam mo naman ako na very contented ako sa binigay ni Lord sa akin kaya nahihiya ako kaya thank you so much sa inyo na tumulong sa akin na magka-season 2 ito,” sabi ni Melai.
Ayon sa Kapamilya star, power of prayers ang isa sa kanyang kinakapitan para magtuluy-tuloy ang pagdating ng blessings sa buhay niya at ng pinakamamahal niyang pamilya.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose umamin: Karamihan sa mga baguhang nakakatrabaho ko, natatakot sa akin…sabi ko, hindi ko sila sisindakin
“Wala naman akong kamag-anak sa mga Lopezes para talagang bigyan nila ako ng kuwan, wala rin akong mga kamag-anak na mga artista.
“Pero dahil din siguro sa prayers, nagpi-pray ako, ‘Lord, Ikaw na bahala.’ Talagang, alam mo tina-touch ni Lord ang mga heart ng mga boss ko. Sa meeting, siguro nila, ilagay ninyo si Melai, bigyan lang ‘yan ng P1,500! Ha-hahaha! Joke!
“‘Yung parang alam mo, ‘yung talagang naiisip nila (mga bossing ng ABS-CBN) ilagay diyan si Melai. So, for me, talagang kung ‘yan man ang tawag, staying power, I think it’s also the power of a prayer,” aniya pa.
In fairness, patok na patok ang show ni Melai sa mga Bisaya pati na rin sa mga non-Bisaya viewers dahil sa pak na pak na interview niya sa mga kapwa Visayan celebrities na napapanood tuwing Martes sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
May libreng tutorial din ang kanyang programa sa wikang Bisaya dahil mas nauunawaan pa ito ng audience dahil sa mga relatable na pag-uusap nila ng kanyang mga celebrity guest na may subtitles.
Samantala, inamin nga ni Melai na natatakot siyang interbyuhin ang kapwa niya Bisaya na si Annabella Rama dahil bukod sa pagiging nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, kilala rin ang talent manager sa tapang nito.
Pero kung mabibigyan daw siya ng chance na makapanayam si Tita Annabelle ay game na game siya. Dream guest din niya si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Looking forward din siya na ma-interview si Ellen Adarna, “Kasi syempre, alam mo ‘yung mga wisdom kasi ni Ellen, talagang hindi mo rin talaga matatawaran noon. Saka reality check lang talaga siya lagi. Real talk lang talaga siya.
“At nakakatuwa, na-amaze nga ako du’n sa sinabi niya na, bakit hindi namin alam na buntis ka. Siyempre, alangan naman ipaalam niya na buntis pa siya, ‘di ba? So, alam mo ‘yung, talagang very true to herself siya.
“Gusto ko malaman niya kung ano ‘yung pinagkakabisihan niya. At ngayon na meron na siyang family, na talaga namang love na love siya,” sabi pa ni Melai.
Sa trailer ng “Kuan on One Season 2”, ipinakita ang interview ni Kuantie Melai kina Kyle Echarri, JK Labajo, Morissette Amon, “PBB Gen 11” housemates Jas Dudley-Scales at Binsoy Namoca, at sa mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.