Jaclyn Jose umamin: Karamihan sa mga baguhang nakakatrabaho ko, natatakot sa akin…sabi ko, hindi ko sila sisindakin
AWARE na aware ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose na maraming artistang natatakot sa kanya, lalo na ang yung mga baguhan pa lamang sa showbiz.
Ayon sa award-winning veteran actress, kinakausap talaga niya ang mga co-stars niya sa ginagawang pelikula at teleserye kapag nababalitaan niya na kinakabahan at nai-intimidate sa kanya ang mga ito.
Sa nakaraang online presscon ng bago niyang pelikula sa Vivamax, ang suspense-sex-drama na “Tahan”, nabanggit ni Jaclyn na sanay na siya sa mga chika na may mga nakakatrabaho siyang natatakot na makaeksena siya.
Sa “Tahan”, first time niyang makakasama sa pelikula ang baguhang sexy star na si Cloe Barreto at si JC Santos, pati na rin ang direktor nilang si Bobby Bonifacio.
“First time ko to work with her (Cloe), JC Santos and our director, Bobby Bonifacio. Okay ang naging pagtatrabaho namin so I hope to get to work with them all again. Most new actors na nakakatrabaho ko, natatakot sa akin, but I always tell them na huwag silang matakot sa akin.”
Alam din ni Jaclyn na nai-intimidate si Cloe sa kanya kaya, “I hugged her sa first shooting day namin and told her na huwag siya mahiya sa akin. Kasi nagsimula rin ako naman ako sa pagiging baguhan, galing din ako diyan.
“So hindi ko sisindakin ang mga bago at batang artista, kasi sila ang next generation sa industriya. Ako, I feel na kaming mga nauna sa kanila, we have to be nice to them kasi sila ang future ng industry, sila ang magpapatuloy ng ginagawa namin, so we should help them to get better,” paliwanag ng premyadong aktres.
Mag-ina ang role nina Jaclyn at Cloe sa “Tahan” kung saan binubugaw ng nanay ang kanyang anak sa iba’t ibang lalaki.
“Mahihirap ‘yung mga eksena namin kasi ako, dominanteng ina niya. E si Cloe, napakabait na bata, masunurin, very nice.
“As an actress, she is just quiet, very observant on the set, always concentrating, very focused sa work niya, so i admire her. She listens to instructions and through Direk Bobby’s guidance, nagawa niya ang trabaho nang maayos,” aniya pa.
Ano ang ipinayo niya kay Cloe noong ginagawa nila ang movie? “Basta ang advice ko sa kanya, kapag sexy scenes. gawin mo na agad nang maayos para hindi na ipauulit pa sa ’yo.
“Actually, I can see myself kay Cloe when I was starting pa lang in 1987 sa ‘Private Show’ where I played a torera. Like her, I’m just quiet, focused lang ako sa work ko,” sabi pa ni Jaclyn.
Kuwento pa ng aktres, may pagkakataon na nakita niyang umiiyak si Cloe sa set ng “Tahan” dahil natatakot siya sa mga susunod niyang mga eksena.
View this post on Instagram
“Nu’ng umpisa, napansin ko, iyak siya nang iyak, so I tried to comfort her. I told her wag siyang matakot, kaya mo ‘yan.
“Suwerte nga sila kasi nu’ng time ko, walang tumutulong sa akin. Walang acting workshops, walang acting coaches, walang tutulong sa’yo that time but yourself. Kaya ako ngayon, basta makakatulong ako sa baguhan, I try to help them in their craft,” sabi pa ng veteran star.
Tungkol naman sa kanyang role sa “Tahan,” “This is one of the most shocking things I did: being a killer mother. First time ko play the role of a murderer.
“Sa trailer, makikita nyo na sinasaksak ko talaga yung mga biktima ko tapos nilalabas ko ang laman-loob. Suspense-thriller siya, e. And very gory. Hindi mo akalaing magagawa yun ng isang nanay. But as a mother, you will really kill for your children, ganu’n ang mga nanay, e.
“A mom can do anything for her kids. Mahirap ‘yung roles namin ni Cloe, but thanks to Direk Bobby, ipinapaliwanag niya lahat how to do it.
“May rebelasyon and twist sa ending na talagang very shocking kaya dapat nilang abangan. Hats off ako sa director namin, maganda ang execution niya sa buong movie,” sabi pa niya.
Nasa Amerika si Jaclyn nang un-attend siya sa zoom presscon ng “Tahan” kung saan dinalaw niya ang anak na si Gwen na nag-aaral doon.
“Dinalaw ko ‘yung anak ko and I get to spend some time with him. Konting bakasyon na rin. I felt na sa hinaba-haba ng pagtatrabaho ko sa buong buhay ko, I deserve naman to have some rest,” aniya pa.
About her daughter Andi Eigenmann, na nasa Siargao na kasama ang mga anak, “Masaya naman ang buhay nila roon, kaya lang malayo, bihira ko makita ang mga apo ko.”
https://bandera.inquirer.net/310100/cloe-barreto-mapapalaban-ng-aktingan-kina-jaclyn-jose-at-jc-santos
https://bandera.inquirer.net/317928/tuwang-tuwa-ako-na-nasampal-ako-ng-isang-jaclyn-jose-cloe-barreto
https://bandera.inquirer.net/314635/kim-pinayuhan-ang-fans-na-wag-magpakanega-janine-paulo-nagpakilig-na-naman
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.