Sid Lucero naluha nang makita si Ellie, super love ang pamangkin

Sid Lucero naluha nang makita si Ellie, sey ni Andi: Nakakaiyak ang ganda

Therese Arceo - February 26, 2025 - 02:03 AM

Sid Lucero naluha nang makita si Ellie, sey ni Andi: Nakakaiyak ang ganda

HINDI napigilan ng aktor na si Sid Lucero ang maluha matapos makita at mahalikan sa noo ang kanyang pamangkin kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Sa ibinahaging Instagram story ni Andi, makikitang naging emosyonal ang aktor niya matapos makita ang pamangkin.

“NAKAKAIYAK ANG GANDA E,” caption ni Andi sa video ng pagkikita nina Sid at Ellie.

Ibinahagi rin naman ni Ellie ang naturang video sa kanyanh Instagram story.

Baka Bet Mo: Sid Lucero proud na proud sa ina matapos maging ‘zombie’, 1 buwan naghanda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Naganap ang emosyonal na pagkikita nina Sid at Ellie sa 86th birthday celebration ng kanilang lolo na si Eddie Mesa o si Eduardo de Mesa Eigenmann sa totoong buhay.

“if dad (Mark Gil) were here he’d probably cry everytime he saw you (Ellie). you know how i know? cause i’m about to cry right now… the E in Eigenmann stands for EMOTIONAL. ugh,” sey ng isa pa nilang kapatid na si Stevie sa video na ibinahagi nito. Para sa mga hindi aware, sina Sid, Andi, at Stevie at magkakapatid sa ama na si Mark Gil o si Raphael John Eigenmann sa totoong buhay. Pumanaw si Mark noong Setyembre 2014 dahil sa sakit na liver cirrhosis. Si Jaclyn naman na ina ni Andi ay pumanaw noong 2024 dahil sa heart attack.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending