Good news! PBBM nagdeklara ng 5 ‘holidays’ para sa Abril
NAKAKA-EXCITE namang mag-April, mga ka-BANDERA, dahil punong-puno ito ng holidays!
Yes, yes, yes…limang araw ng pahinga ang naghihintay sa atin –perfect para sa mahabang tulog, road trips, at bonding time kasama ang pamilya at tropa.
Nauna nang idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos na ang April 1 ay regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l-Fitr, ang banal na selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan.
Bukod pa rito, inilabas din ng pangulo ang Proclamation No. 727 na nagtatakda sa April 9 bilang isang regular holiday din upang gunitain naman ang Araw ng Kagitingan.
Baka Bet Mo: V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory
Dagdag pa rito, kabilang din sa listahan ang April 17 at 18 para sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Pero hindi pa diyan natatapos ang ating listahan ng bakasyon dahil idineklarang special non-working holiday din ang April 19 bilang paggunita sa Black Saturday!
Narito ang listahan ng mga non-working holidays ngayong Abril:
April 1 – Eid’l-Fitr
April 9 – Araw ng Kagitingan
April 17 – Maundy Thursday
April 18 – Good Friday
April 19 – Black Saturday
Ibig sabihin, halos tatlong linggo sa buwan ng Abril ang may holiday!
Nakaka-happy naman dahil mas maraming time na para makasama ang pamilya, quick getaways, at siyempre, dagdag na oras para mag-relax mula sa stress sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.