Pacman, PBBM humanga kay Alex Eala: ‘Proud kami sa'yo!’

Pacman, PBBM humanga, todo suporta kay Alex Eala: ‘Proud na proud kami sa’yo!’

Pauline del Rosario - March 29, 2025 - 12:33 PM

Pacman, PBBM humanga, todo suporta kay Alex Eala: ‘Proud na proud kami sa'yo!’

ISANG malaking karangalan ang ibinandera ng Filipino tennis sensation na si Alex Eala para sa Pilipinas matapos ang kanyang makasaysayang laban sa 2025 Miami Open!

Bagamat hindi nakapasok sa finals, ipinakita ng Pinay athlete ang kanyang husay at tibay ng loob laban sa pinakamagagaling sa mundo.

Kabilang sa mga bumati ay si Pangulong Bongbong Marcos na nagpahayag ng kanyang papuri at suporta sa pambato ng Pilipinas sa larangan ng tennis.

“We would like to congratulate our tennis phenomenon, Alex Eala, on her historic and amazing run in the 2025 Miami Open,” saad ng presidente sa isang pahayag.

Baka Bet Mo: Isabelle, Erwan, Nicole, ibang celebs proud na proud kay Alex Eala: ‘Mabuhay ka!’

Dagdag niya, “We are one with the entire nation in thanking Alex for her sacrifices and hard work in her quest for glory and honor. I’m sure that the elusive championship title is within reach soon.”

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang tagumpay ni Alex ay patunay ng galing ng atletang Pilipino.

“Truly, what you did showed the whole world what a Filipino athlete is all about – determined, steadfast, and never the one to back away from any challenges,” mensahe ni Marcos sa tennis player.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa pagbati kay Alex sa pamamagitan ng kanyang Instagram story.

“You may not have made the finals, but you won the hearts of the world,” bungad niya sa post.

Giit ng boxing legend, “The whole nation is proud.”

“This is just the beginning. Keep fighting and inspiring. You’ve shown the heart of a true champion. Laban lang! The future is bright for you,” wika pa niya kay Alex.

Aniya pa, “Proud na proud kami sa’yo!”

Pacman, PBBM humanga, todo suporta kay Alex Eala: ‘Proud na proud kami sa'yo!’

PHOTO: Instagram/@mannypacquiao

Nagmarka ang makasaysayang laban ni Alex sa Miami Open matapos niyang talunin ang world No. 2 at five-time Grand Slam champion na si Iga Swiatek sa semifinals. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago ito, nanaig din siya laban sa unseeded American na si Katie Volynets, pati na rin sa dalawang Grand Slam champions—Jelena Ostapenko ng Latvia at reigning Australian Open champion na si Madison Keys mula sa U.S.

Bagamat natalo siya kay world No. 4 Jessica Pegula sa semifinals, hindi maikakaila na isa itong malaking hakbang para sa kanyang karera. 

Isang inspirasyon si Alex Eala para sa bawat Pilipino na dahil sa kanyang tapang at pagsisikap, muling pinatunayan niya na ang dugong Pinoy ay hindi basta-basta sumusuko. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending