Isabelle, Erwan, Nicole, ibang celebs proud na proud kay Alex Eala: ‘Mabuhay ka!’

PHOTO: Facebook/Alex Eala
IPINAGDIRIWANG ng ilang celebrities ang makasaysayang tagumpay ng Filipino tennis sensation na si Alex Eala!
Ito ay matapos niyang lampasuhin ang world number two na si Iga Swiatek upang makapasok sa semi-finals.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinandera ni Isabelle Daza ang video interview ni Alex matapos talunin ang five-time grand slam champion na si Iga, isang panalong nagbigay sa kanya ng ticket patungo sa susunod na round ng kompetisyon.
“This is the kind of news we need. Let’s go sports!!” caption ng beauty queen-actress.

PHOTO: Instagram Story/@isabelledaza
Ibinahagi ni Erwan Heussaff ang feature ng New York Times tungkol sa player na itinampok ang kanyang makasaysayang journey sa tennis sa edad 19.
“[Alex Eala] killing it!” sey ng celebrity chef.

PHOTO: Instagram Story/@erwan
Hindi rin napigilan ng beauty queen na si Nicole Cordoves ang kanyang pagmamalaki sa panalo ni Alex.
“Looking at the Philippine flag on the scoreboard while watching the game already brings so much pride. Mabuhay ka [Alex Eala],” saad niya.

PHOTO: Instagram Story/@binibiningnicolecordoves
Maging ang batikang filmmaker na si Antoinette Jadaone ay nakiisa sa selebrasyon at sabay sabi, “‘Di siya makapaniwala. Totoo ito [Alex Eala]!”

PHOTO: Instagram Story/@tonetjadaone
Marami pang celebrities ang nagpahayag ng suporta sa tennis sensation, kabilang sina David Licauco, Jake Ejercito, at Sarah Lahbati na nag-post din sa kanilang IG Stories.
Sa loob ng dalawang set (6-2, 7-5) ay matagumpay na napatumba ni Alex sa quarter finals si Iga nitong Huwebes ng umaga, March 27 (oras sa Pilipinas).
Sa kasaysayan ng Women’s Tennis Rankings mula noong 1975, si Alex ang kauna-unahang Pilipino na tinalo ang isang Top 30 player at ang unang Pinay na dumurog sa isang Top-10 opponent.
Kasalukuyang nasa No. 140 sa mundo, pero tiyak na papasok si Alex sa Top 100 ng world rankings, anuman ang kalabasan ng kanyang Miami Open campaign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.