Alex Eala pinataob si Iga Swiatek, pasok sa semis ng Miami Open

Alex Eala pinataob si Iga Swiatek, pasok sa semis ng Miami Open

Therese Arceo - March 27, 2025 - 11:29 PM

Alex Eala pinataob si Iga Swiatek, pasok sa semis ng Miami Open

NAKAKA-WOW ang naging performance ng 19-year-old Filipina tennis player na si Alex Eala matapos nitong lampasuhin ang 5-time grand slam champion na si Iga Swiatek.

Nasa no. 140 ang dalaga sa world ranking nang pataubin niya ang streak ni Iga na pangalawa naman sa world ranking.

Aa loob ng dalawang set (6-2, 7-5) ay matagumpay na napatumba ni Alex sa quarter finals si Iga nitong Huwebes ng umaga, March 27 (oras sa Pilipinas).

Baka Bet Mo:

Dahil nga rito ay pasok na si Alex sa semi-finals ng Miami Open.

Bago pa ang kanyang pag-arangkada sa semis ay talagang ibinandera na ng dalaga ang galing at pinatumba rin ang iba pang world champions na sina Jelena Ostapenko na dating French Open Champion at world No. 25 at ang reigning Australian champion at world No. 5 na si Madison Keys.

Sa naging panayam ni Alex sa media ay aminado siyang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari.

“I’m in complete disbelief right now. I’m on cloud nine. So thank you everybody who came to watch, and thanks to everyone who’s watching from home,” sey ng atleta.

Haharapin ni Alex sa quarterfinals ang mananalo sa laban nina Emma Raducana at world No. 4 Jessica Pegula.

Mula nga sa ranking niya na 140 ay agad na umangat sa 75 ang kanyang posisyon matapos niyang matalo si Iga Swiatek.

Kwela rin ang recent Facebook post ni Alex kung saan dinab niya ang sikat na Tiktok video ng mga “sumakses”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Success pa more! Mga kababayannnnn! Di ko talaga alam kung paano ibahagi sa inyo ang pakiramdam ko ngayon. Ang layo na nang narating natin, pero tuloy pa rin ang laban! Sana subaybayan niyo ako sa susunod na laban. Wishing for more success!

“I can’t begin to describe to all of you the feelings I have right now. We’ve come so far, but the fight goes on! I hope all of you can follow along and support me in my next match,” sey ni Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending