Mavy Legaspi tumigil sa pagte-tennis matapos mabiktima ng pambu-bully: ‘Iniisip nila that I’m cheating, I paid for my wins’
NAGDESISYON ang Kapuso TV host-actor na si Mavy Legaspi na tigilan na ang paglalaro ng tennis dahil sa mga naranasan niyang pambu-bully.
Isa lamang daw ito sa mga rason kung bakit hindi na niya ipinagpatuloy ang kinahiligan niyang sports mula pa noong bata pa siya hanggang sa magbinata.
Kuwento ni Mavy, madalas siyang ma-bully noon dahil sa estado niya sa entertainment industry bilang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi at itinuturing na “showbiz royalty”.
View this post on Instagram
“Yes that was one of the instances din, pero it wasn’t really ‘yung major factor ng pag-decide ko to quit tennis, but it was one of,” ang sabi ni Mavy sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
“Siyempre, I tried to be fair and I am very understanding,” dagdag pa ng ka-loveteam ni Kyline Alcantara.
Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin siya nakaligtas sa mga bully, “Just being a showbiz personality, just being a showbiz royalty and then playing a sport with all walks of life, siyempre you deal with all classes I’m competing, I travel to provinces.
Baka Bet Mo: Jennica lilipat na ng tirahan kasama ang 2 anak, ipinagbebenta na ang mga gamit sa bahay
“There’s always that thinking they have na I’m cheating, I paid for my wins,” katwiran ng binata.
Bukod pa rito, tumigil din daw siya sa paglalaro ng tennis dahil nawawalan na siya ng panahon para sa kanyang pamilya.
View this post on Instagram
“Pero ‘yung major decision doon was really to keep the family intact kasi hindi kaya ni mama ‘yun na hindi kami complete.
“I’m really competing all the time, mawawalan din ako ng time for school, for my family, I’m travelling alone, all that. Nalulungkot ‘yung mom ko and as a son, I really didn’t want that,” paliwanag pa ni Mavy.
Samantala, napakainit ng pagtanggap ng mga Kapuso viewers sa launching series nila ni Kyline sa GMA, ang “LUV IS: Love At First Read” na nagsimula na last Monday.
Talagang pinag-usapan ng mga netizens ang pilot episode nito at naging isa pa sa top trending topic sa social media, patunay lang na inabangan at tinutukan ng MavLine fans ang “Love At First Read.”
Kylie Padilla kinakarir ang paglalaro ng billiards; makikipag-collab kina Rayver at Ruru
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.