Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, 'Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!' | Bandera

Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, ‘Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!’

Reggee Bonoan |May 29,2023
facebook
share this

Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, ‘Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!’

Reggee Bonoan - May 29, 2023 - 02:33 PM

Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, 'Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat'

Guess, Guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

GUMAGAWA pa lang ng pangalan ang baguhang male star sa showbiz pero may karanasan siyang hindi makakalimutan tungkol sa isang kilalang aktor.

Tandand-tanda pa raw ng baguhang male star ang sinabi sa kanya noon ng kilalang aktor na, “Wag mong ia-associate ang sarili mo sa mga sikat (na artista).”

Naloka ang baguhang aktor dahil hindi niya inaasahan na ang isa sa hinahangaan niyang artista sa industriya ay matabil pala ang dila.

Kuwento ng kampo ng baguhang male star ay nanginig daw ito sa sinabi ng sikat na aktor.

“Napasama kasi itong si ____ (baguhang aktor) sa isang serye na puro sikat ang kasama.

“Handpicked kasi siya ng bidang aktor kaya tuwang-tuwa siya. Tahimik lang naman ‘tong si ____ (baguhang aktor), e, tinawag siya ng co-actors niya kasi naka-break siya.

“Kuwentuhan ganyan tapos tinanong siya kung paano siya napasok sa showbiz, nakagaanan kasi siya ng loob ng senior stars sa set kasi mabait naman tong batang ‘to.

Baka Bet Mo: Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

“Kung baga sa kanya napunta ang atensyon at napuri rin dahil nagsisikap at sinabihang magtiis lang dahil darating din ang time niya lalo’t marunong siyang umarte.

“After ng break, tumawag si ____ (kilalang aktor) at sinabihan nga siya na ‘wag mo i-associate ang sarili mo sa mga sikat.’ E, hindi naman siya ang lumapit in the first place, tinawag nga siya,” detalyadong kuwento ng kampo ng aktor.

Natapos na raw finally ang serye at simula noon ay umiwas na ang baguhang male star sa kilalang aktor.

“Buti na lang sa bagong serye ni ____ (baguhang aktor) hindi kasama si ____ (kilalang aktor). Nagka-trauma bigla si ____ (baguhang aktor).

“Pero sabi nga niya, challenge sa kanya ang ginawa ni ____ (kilalang aktor) at pagbubutihin daw niya ang trabaho niya,” sabi ng kampo ng baguhang aktor.

Nagulat din kami sa kuwentong ito dahil hindi namin ini-expect na may ganitong ugali ang kilalang aktor, ang akala pa naman namin ay humble ito.

Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending