Baguhang male star sinasamantala ng mga epal na 'alalay' | Bandera

Baguhang male star sinasamantala ng mga epal na ‘alalay’

Cristy Fermin |May 28,2016
facebook
share this

Baguhang male star sinasamantala ng mga epal na ‘alalay’

Cristy Fermin - May 28, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE0423

WALA pang napatutunayan ang isang bagitong male personality, pero ramdam na ng marami ang kaangasan ng mga tao sa kanyang paligid, ang mga ito at hindi ang lalaking personalidad ang may kayabangan.

Matindi kuno ang ilusyon ng grupo na sikat na sikat na ngayon ang bagitong male personality, pinagkakaguluhan daw kasi ang lalaki kahit saan, kaya buung-buo na sa utak ng kanyang mga kasama na ganu’n na siya talaga kasikat ngayon.

Kuwento ng aming source, “Nakakaloka ang mga sumasama sa kanya kapag sinusundo siya sa lugar nila na pagkalayu-layo! Kailangang malaking sasakyan ang pangsundo sa kanya, kasi nga, buong barangay yata ang may gustong sumama sa kanya.

“E, sa lafang na lafang na lang, malaking gastos na, dahil alangan namang siya lang ang pakainin, di ba? Pero walang pakialam ang mga sumasama sa kanya, join kung join ang drama nila kapag sinusundo na ang bagitong male personality.

“Ano kaya ang akala nila, laro lang ang showbiz? Wala pa ngang napapatunayan ang pride kuno nila, e, ganyan na ang mga ginagawa nila? Pinahihirap nila ang sitwasyon, pinabibigat nila!” kuwento ng aming impormante.

At nakakaawa kuno ang bagitong aktor dahil halos wala nang natitira sa tinatanggap niyang talent fee dahil sa dami ng mga naghahati-hati.

“Ano ‘yun? Sinasamantala nila ang kasikatan kuno ng kababayan nila? Ngayon lang ba sila nakatikim ng ganito? Nakakahiya, sangrekwa silang sumasabit, masyadong malaki ang gastos ng production,” naiinis pang kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra naming mahal, gusto mo ba silang pakainin ng gulay na pampalinaw ng mga mata, tara na, punta na tayo sa kanila, gets mo na?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending