Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

Ervin Santiago |May 06,2024
facebook
share this

Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

Ervin Santiago - May 06, 2024 - 05:15 PM
Diwata naiyak, niregaluhan ni Rosmar ng bagong bahay at P5-M

MARIING itinanggi ng negosyante at social media personality na si Rosmar Tan na ginagamit lang niya ang sikat na sikat ngayong si Diwata.

Totoo at sincere raw ang ginawa niyang pagtulong kay Diwata dahil naniniwala siyang dasurved nito ang magkaroon ng maganda at masayang buhay.

Kuwento ni Rosmar sa kanyang mga Facebook post, niregaluhan niya ng bagong bahay si Diwata bukod pa sa P5 million worth of endorsement, products, at cash mula sa iba’t ibang brand na nakipag-collab sa kanya.

Personal pa siyang nagpunta sa paresan ni Diwata para iabot ang kanyang mga regalo.

Binigyan din niya ang tinaguriang “Pares Queen” ng imported Saint Bernard puppy na nagkakahalaga ng P300,000 with matching lifetime supply ng dog food.

Baka Bet Mo: Sagot ni Diwata sa vlog ni Ogie: Kung hindi gusto, huwag nang bumalik!

“Hindi po ako nag-iwan sa location ni Diwata ng kahit anong may tatak Rosmar kasi ‘di para gamitin ko siya sa brand ko.

“Busilak ang aking puso sa pagtulong at ‘di para gamitin siya. Bagkus, ibang mga brand ang binida ko na mga tumulong sa akin para mabigyan ng 1 year endorsements si Diwata para may monthly pumapasok sa kanyang pera.

“Dahil ‘di naman habang buhay malakas siya at ang paresan niya,” ang nakasaad pa sa FB post ni Rosmar.

Mensahe pa niya, “Salamat sa mga tumulong sa ’kin para makapagpaabot ng tulong din kay Diwata.

“Hindi rin para i-monetize ko ang mga videos ko with Diwata masaya na ako na natulungan ko siya. Tamang post lang dito sa Facebook ng souvenir hihihi.

“Buong puso na pasasalamat sa lahat ng walang sawang sumusuporta at nagmamahal,” aniya pa.

Napaiyak naman sa sobrang kaligayahan si Diwata nang matanggap ang mga regalo ni Rosmar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay kaya answered prayer at dream come true para sa kanya ang pasorpresa sa kanya ni Rosmar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending