Diwata binigyan ng bulaklak sa V-Day: Parang korona ng patay

Diwata binigyan ng bulaklak para sa V-Day: Kaloka! Parang korona ng patay!

Ervin Santiago - February 15, 2025 - 03:18 PM

Diwata binigyan ng bulaklak para sa V-Day: Kaloka! Parang korona ng patay!

NAKATANGGAP ng bulaklak ang Pares owner at social media personality na si Diwata sa mismo ng Araw ng mga Puso kahapon, February 14.

Naloka ang mga netizens sa ipinadalang flowers kay Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay dahil nagmukhang bulaklak ng patay ang mga ito.

Ang mas nakakaloka, may kasama pang pulang sisiw ang mga bulaklak. Sa mga hindi pa aware, karaniwang inilalagay ang sisiw sa ibabaw ng kabaong ng isang taong pumanaw na nanghihingi ng hustisya sa kanyang pagkamatay.

Kaya naman iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga netizens nang mapanood nila ang video ni Diwata habang tinatanggap ang Valentine’s Day gift sa kanya na nagmula pa sa Dangwa.

In fairness, tuwang-tuwa pa si Diwata sa natanggap na regalo kahit pa mukha itong “korona” ng patay.

Baka Bet Mo: Rendon namboldyak: Si Rosmar umatras na, kailan naman kaya si Diwata?

“Na surprise naman ako, May nagpadala ng bulaklak. Happy Valentines mga ka Vendors!” ang caption ni Diwata sa kanyang Facebook post.

Narito ang mga reaksiyon ng mga netizen sa natanggap na Valentine gift ni Diwata.

“Hindi magandang biro yan. Nakakainsulto kayo!”

“Pang patay nman ang dala nyo bulaklak.”

“Korona naman yang binigay nyo. Pangpatay tapos may sisiw pa. Ka bad mo naman Sir!”

“Ok lang naman kahit paano may bulaklak  may ssiw pa paglaki pweding tinola pa!”

“Naka Naman kaganda Naman yang bulaklak mo.. para sa Patay ata yan.”

“Bka binili para sa Sarili kunwari my nag Padala,,kung bulaklak ng Patay bka pa na sadyang pinadala.”

“Pang patay Yung bulaklak condolences.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bulaklak ng patay yan.”

“Content lang yan kc kung totoo yan galit na galit nanaman yan kung ano ano masasakit na salita maririnig nila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending