Netizen inireklamo ang BF, 3 V-Day hindi nakatanggap ng bulaklak, regalo

Stock image
TAMA bang magtampo at sumama ang loob ng isang babae kung wala tatlong taon na siyang hindi binibigyan ng bulaklak ng dyowa niya tuwing Valentine’s Day?
Sure na sure kaming marami ang makaka-relate sa hugot ng isang female employee about her partner na never pa siyang binilhan at niregaluhan ng kanyang dyowa ng flowers kapag Araw ng mga Puso.
“For context, 3 valentine’s na kaming mag on ng boyfriend ko. 2023 nung naging kami. Estudyante palang sya non at ako naman working na. Mas matanda ako sakanya ng isang taon kaya naman nauna din talaga akong magwork,” ang simulang pagbabahagi ng isang anonymous letter sender sa Facebook Page na Peso Sense.
Pagpapatuloy pa niya, “Nainlove kami sa isa’t isa kahit walang wala sya, naniniwala ako sa kakayanan nya na someday dadating din yung panahong sya naman ang sasagot sa dates at mattreat nya din ako. Mabait din naman kasi sya at genuine.
“Feb 14 2024 first anniversary namin, kakastop nya lang mag aral, nadelay na din kasi sya at hindi na sya kayang pag aralin ng magulang nya. Ako naman that time nakailang work na ako.
Baka Bet Mo: ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine’s Day?
“Experience wise sa life, malayong ahead ako kahit na 1 year lang ang age difference namin. At dahil walang wala sya ulit ayos lang sakin. Ako muna ang sumasagot sa kanya. Tumira na din sya sa apartment ko.
“Work from home ako kaya kahit papano maganda ang sahod ko. Tanggap ko naman, walang wala sya. Okay lang at sabi ko tutulungan ko syang mag hanap ng trabaho. Kaya naman todo apply ako ng work from home jobs para sakanya.
“Yes. Ako nag apply at nag interview. Mahiyain kasi sya at hindi nya kayang ipresent ang sarili nya. Madali kaming nakukuha kasi magaling ang speaking skills ko. Ipinasa ko ang work na ako ang nakapangalan.
“Wala din syang bank account or kahit na anong ID. Sobrang dependent nya saakin. Okay naman ang naging relasyon namin. Kumikita na kaming pareho. Nakakapag flight na, nakakakain na ng masasarap at may kanya kanyang ipon na,” litanya ng empleyada.
At nito lamang nakaraang Valentine’s Day, February 14, 2025, mas sumama ang loob niya dahil inakala niyang masosorpresa siya sa paandar ng partner.
“1 year na syang nagwowork. Nakatira kami sa apartment pero magkahiwalay ng unit dahil ayaw pa ng magulang ko. 25 na ako at sya naman ay 24.
“Alam kong pangit mag expect sa mga bagay bagay na gagawin nya gaya nalang ng pagbili sakin ng bulaklak dahil nga valentine’s day at anniv namin.
“Sa 2 valentines naming magkasama, tanggap kong walang wala sya kaya hindi nya afford bilhan ako non pero nasaktan ako dito sa 3rd valentines na wala padin syang binigay. Masama bang magtampo ako? Kasi kayang kaya nya na akong bilhan. Sumasahod na sya ng up to 60k monthly.
“Pag lumalabas kami KKB kami palagi. Masumbat ba ako kung isusumbat ko lahat sakanya pati kung anong meron sya ngayon na galing lahat sakin? Hindi man lang ba sya magbibigay out of courtesy sa lahat lahat? Simple lang ba to o malalim na? Flowers lang ba talaga to o dito na nasukat lahat ng pagiging unfair sa end ko.
“Nagparamdam ako sakanya weeks before sabi ko gusto ko ng flowers. Sabi nya ‘hindi kita binibilhan kasi nasasayangan ako sa pambili imbes pagkain nalang bulaklak pa’ saka sunod nya pa ‘may mga babae kasing ayaw ng bulaklak’ sumagot naman ako ‘walang babaeng ayaw ng bulaklak’ sabi nya sila mama nya sila ate nya wala lang naman daw sakanila yon.
“Sa totoo lang wala namang may ayaw sa bulaklak na babae kasi lahat sasaya pag may bulaklak. pano naman kapag hindi ako yung babaeng ganun? Baka sabihin ng iba dyan hindi naman mahalaga yun,” ang sumbong ni Ate Girl.
Patuloy pa niya, “For context, maganda ako maarte at kikay na babae. Kilala nya ako. Bakit ganun? Kelangan maging katwiran nya yung mga bagay na okay lang sa iba? Hindi naman ako yun. Sa lahat ng naging bf ko mula highschool lahat binibigyan ako ng bulaklak.
“Galing akong ibang bansa from a trip nung nakaraan. Ang dami kong pasalubong sakanya pati sa pamilya nya. Ayoko nang isipin yung mga anniv at valentines. Kahit gift nalang pabalik diba?
“Wala din nga pala syang gift sakin. AT ALL. Pag pumupunta sya sa bahay mapapasko o ano ang dami magbigay ng food ng fam ko. never man lang aya nagdala ng kahit ano sa bahay, katwiran nya, bata pa daw sya, pabiro.
“Pag kinocompare ko sa sa BF ni ate, ginagawa ko lang naman na inspo yung efforts and such. Nagagalit sya. Para sakin wala syang room for growth. Parang nainlove ako sa expectation ko sakanya sa mga bagay na kaya nyang gawin someday hindi sa kung ano sya. At nahuhurt akong nakikita ko yun right into my eyes.
“Masaya naman kami pag magkasama. Makulit at puro tawanan. Iniisip ko baka di sya maka man up kasi very submissive sya towards me. Ako lahat na susunod sa bagay bagay kumbaga ako kasi nag drive ng buong relasyon, ako din naman yung may kapasidad.
“Pero recently naisip ko hindi na ako nag ggrow. Sya nalang yung nag grow saaming dalawa. I can’t squeeze knowledge sakanya kasi sa buhay, ako talaga yung mas maraming alam at ako yung laging nag ttake action. Kumbaga ako nalang yung nagbibuild sakanya.
“Pano naman ako? Wala man lang bago from him, walang taking of action, surprises and everything. Palagi nalang syang parang alalay ko lang at supporta. Ano nang gagawin ko? Papalipasin ko nalang ba to? Or magsisimula nang mag isip isip sahil lang sa bulaklak?” chika pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.