Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine's Day?

ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine’s Day?

Pauline del Rosario - February 12, 2024 - 07:20 PM

ALAMIN: Bakit nga ba bulaklak ang ibinibigay tuwing Valentine's Day?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

VALENTINE’S day na naman mga ka-BANDERA!

For sure, aapaw na naman ang bigayan ng mga bulaklak, lalo na sa mga nagliligawan, magdyowa at mag-asawa.

Pero alam niyo na ba kung paano nauso ang pagbibigay ng flowers sa mga mahal sa buhay tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?

Nakachikahan ng BANDERA si Rodel Villacino, ang florist at owner ng flower shop na Fiorista sa Quezon City.

Ikinuwento sa amin ni Rodel kung paano nagsimula ang pamimigay ng mga bulaklak.

“Actually, in 1800s talaga nakilala, naging popular, na-recognize ‘yung mga flowers. ‘Yung time ng Victorian Era talagang nakilala itong paggawa ng mga bouquet,” kwento niya.

Baka Bet Mo: BANTAY ASKS: Kanino ka magbibigay ng bulaklak ngayong Valentine’s Day?

Patuloy niya, “And then mas pinaigting, mas ginawa na nilang business, ginawa na nilang offering for their loved ones ‘yung flowers noong 1900s. So doon, mas lumawak, lumalim at nakilala hindi lang sa parte ng Europa, maging sa buong Asia.”

Dagdag pa ng florist, “Sa Victorian Era din nagsimula ‘yung rose, kung saan ‘yung rose talaga ang ginagamit sa paggawa ng mga bouquet na io-offer nila. That time nga, dini-deliver nila personally kasi that time wala pang transportation.”

Kasunod niyan ay inusisa na namin kung ano-anong mga klase ng bulaklak ang sikat at mabenta tuwing Valentine’s Day sa panahong ito.

Ayon kay Rodel, ang mga karaniwang ibinibigay ay mga rosas, sunflower, peonies at tulips.

May mga ibig sabihin ba ang bawat bulaklak?

“Ang roses po kasi, mostly ‘yun talaga ang binibigay sa mga magjo-dyowa, sa mga loved ones natin. Like ‘yung red – strong love. So pinapakita kung paano natin minamahal ‘yung loved ones natin. Ito ‘yung ‘true love’ na sinasabi nga,” paliwanag niya.

Patuloy niya, “Tapos ‘yung white roses, it symbolizes ‘yung purity, ‘yung everlasting love natin sa loved ones natin and then the pink one is  the elegance.”

“At siyempre, isama din natin ‘yung sunflower…at tsaka tulips, mga peonies [na] nagsisimbolo sa friendship, happiness and purity,” ani pa niya.

Natanong din namin kay Rodel kung bakit nga ba bulaklak ang binibigay kapag ganitong okasyon?

Ang sagot niya, “Kasi unang-una, sinasabi nga natin na through the spirit of flowers, pinapakita natin ‘yung true love natin, ‘yung intentions natin sa isang tao. Vina-value natin kung gaano kamahal natin ang loved ones natin.”

“So ‘yung binibigyan natin, na-a-appreciate nila pag flowers kasi sini-symbolize nito nga ‘yung pagiging romantic natin as a person, ‘yung pagiging loving natin as a person, as caring person natin,” wika niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So mga ka-BANDERA, ano ang balak niyong ibigay na bulaklak para sa mga mahal niyo sa buhay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending