V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail

V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory

Pauline del Rosario - February 20, 2025 - 04:43 PM

V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail Male Dormitory BJMP

PUNONG-PUNO ng pag-ibig ang San Juan City Jail Male Dormitory nitong nagdaang Araw ng mga Puso! 

Sa pangunguna ni Warden JCINSP Erico D. Llamasarez, hindi lang ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nakadama ng init ng pagmamahal, kundi pati na rin ang masisipag na kababaihang kawani ng piitan.

Para ipahayag ang pagpapahalaga sa kanilang serbisyo, ang mga kababaihang kawani ng piitan ay binigyan ng pulang rosas ni Warden Llamasarez at JINSP Nelson G. Galang. 

Hindi lang ‘yan –isang matamis na awitin ang hinandog ni JO1 Zent Borcelis bilang pagpupugay sa kanilang dedikasyon. 

Baka Bet Mo: Yassi Pressman bumisita sa QC Jail Female Dormitory, nag-share ng blessings

V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail Male Dormitory BJMP

Bukod diyan, naging espesyal din ang araw para sa mga PDL na nakasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa isang hindi malilimutang pagtitipon. 

Ang ilang PDL, nag-alay ng mga awitin, na siyang nagbigay-kulay sa selebrasyon. 

V-DAY 2025: Pag-ibig sa likod ng rehas sa San Juan City Jail Male Dormitory

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail Male Dormitory BJMP

Para kay Warden Llamasarez, ang Araw ng mga Puso ay isang selebrasyon na patunay ng diwa ng pagmamahal, pagkakaisa, pagkakapantay-pantay at pagpapahalaga sa bawat isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending