Yassi Pressman bumisita sa QC Jail Female Dormitory, nag-share ng blessings | Bandera

Yassi Pressman bumisita sa QC Jail Female Dormitory, nag-share ng blessings

Therese Arceo |March 19,2022
facebook
share this

Yassi Pressman bumisita sa QC Jail Female Dormitory, nag-share ng blessings

Therese Arceo - March 19, 2022 - 10:38 PM

Yassi Pressman bumisita sa QC Jail Female Dormitory, nag-share ng blessings
BUMISITA ang aktres na si Yassi Pressman sa Quezon City Jail Female Dormitory bilang parte ng kanyang selebrasyon ng women’s month.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya kanyang naging karanasan sa pagbisita at pamimigay ng mga hygiene products gaya ng shampoo at conditioner.

“Visited the Quezon City Jail Female Dormitory to buy shampoos and conditioners for 600 of these beautiful women who deserve a second chance.

Happy Women’s Month,” saad ni Yassi.

Bukod sa pamimigay ng mga shampoo at conditioner, nagpakita rin ng suporta ang aktres sa pamamagitan ng pagpakyaw ng mga paninda sa mga kapwa babaeng nakapiit gaya ng mga unan at bags na talaga namang napakaganda.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

 

Pagpapatuloy niya, “I also bought all of the handcrafted bags and pillows they made that was displayed on the table to show support, para maramdaman naman nila na yung pinaghihirapan nila may magandang kapalit!”

Kuwento ni Yassi, ang mga kinitq ng mga inmates ay maari nilang magamit bilang budget sa personal nilang pangangailangan o di kaya’y pwede nilang ipadala sa kanilang mga pamilya sa labas.

Ibinahagi rin ng aktres ang larawan ng contact number sakaling may mga interesadong bumili sa mga produkto ng inmates.

“Sana po kung bibili din po kayo ng bagong bag o regalo baka masilip nyo po yung mga gawa nila at makakatulong pa po tayo,” pakiusap ni Yassi.

Dagdag pa niya, super happy siya dahil sa kabila ng kanilang pinagdaraanan ay nananatili pa rin silang positibo at looking forward sa paglabas sa kulungan.

“Alam nyo po nakakatuwa po dahil naniniwala sila na sa pansamantalang tahanan po nila na iyon, may maganda pa rin pong bukas na nagaabang sa kanila’

“Can’t share more pics yet for their privacy but most of them performed, sang and danced for us. Nakakatuwa napakagagaling po nila at sobra ko pong naappreciate,” sabi ni Yassi.

“Thank you so much for inviting me!!! Happy #WomensMonth I believe in you all #WomenEmpowerWomen,” muling bati ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Yassi nanginig nang makita si Maricel Soriano: Super kilig!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending