Villafuerte tinawag na sinungaling, ul*l nagpakalat ng fake news

Villafuerte tinawag na sinungaling, ul*l nasa likod ng Siargao fake news

Ervin Santiago - October 24, 2024 - 03:54 PM

Villafuerte tinawag na sinungaling, ul*l nasa likod ng Siargao fake news

LRay Villafuerte, Yassi Pressman at Luigi Villafuerte

BEAST mode si Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “Lray” Villafuerte dahil sa kumakalat na fake news tungkol sa kanila ng anak na si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte.

Tinawag na “sinungaling” at “ulol” ng kongresista ang mga nagpakalat ng mga litrato nila ng anak na kuha sa Siargao at sinasabing nagpapakaligaya sila sa isla habang sinasalanta ng bagyong Kristine ang Bicol Region at iba pang bahagi ng Pilipinas.

Ang chika, na-stranded daw sa Siargao ang mag-ama matapos mamasyal at magbakasyon kasabay ng pananalasa ng bagyong Kristine sa mga pinamamahalaan nilang mga probinsya.

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang kumalat na mga litrato ng mag-ama at karamihan dito ay puro pambabatikos at pang-ookray.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

Kaya naman talagang inalmahan ito ng mag-amang Villafuerte at ipinagdiinang fake news ang naglabasang malilisyosong balita tungkol sa kanila.

Totoong nagtungo nga raw sila sa Siargao last Saturday at kasama pa ang girlfriend ni Luigi na si Yassi Pressman pero agad-agad din daw silang umuwi sa CamSur bago pa man magsimula ang bagyo.


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, dumepensa si Villafuerte. Aniya, “Ngayon panahon ng kalamidad Dapat lahat nag tutulungan at Nagkakaisa, kaya lang ang mga desperado, mga sinungaling at mga ulol namin na mga kalaban nagpapalabas ng fake news sa kanilang mga fake accounts na ako daw at si gov luigi ay nasa siargao daw ngayon habang ang Ating mga kababayan ay nag hihirap sa baha!

“Kasinungalingan at hinde tutoo ito ! Dahil Alam ng mga taga camsur na puro panira at daldal lang ang aming mga kalaban at wala natutulong kaya gusto lang nila gumawa ng fake news para siraaan kami!” esplika pa niya.

“Lumang style na yan gawa nyo mga ulol, hinde nyo kaya lokohin mga Tao ! Ilan election nyo na yan ginagawa para siraaan kami. Alam ng Tao and tutoo , mas alam ng tao ang fake news!

“Sa mga Sinungaling at ulol, tumulong na lang kayo , tigilan nyo na yan mga panira nyo , mga pa epal nyo sa fb dahil yan gawa nyo may karma at balik Sainyo yan!” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Tignan nyo na lang mga post ng kalaban namin sa pulitika. Puro post ng mga problema sa baha , problema sa lugar , nanghihingi pa ng mga donasyon na pera.

“I kumpara nyo sa mga post namin ni Gov Luigi Villafuerte at Cong Migz Villafuerte, Puro aksyon at solusyon sa problema.

“Ang problema rescue teams  kami nag Pa Padala ng rescue teams. Problema sa relief kami tuloy tuloy and relief. Kulang rubber boats, ako mismo at aming pamilya nag ambag kami mismo bumili ng mga rubber boats .

“Nagtatawag kami sa natl agencies and department secretaries, international agencies, mga kaibigan na senator para humimgi ng tulong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero hinde naman kami lang ang mag bibigay tulong at solusyon. Dapat tumulong din ang mga mayors at barangay officials na Meron din sila mga pondo lalo na mga calamity fund,” paliwanag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending