Groom sa CDO 'nagayuma', bumalik sa katinuan dahil sa asin?

Groom sa CDO ‘nagayuma’ ng bride, bumalik sa katinuan dahil sa asin?

Therese Arceo - March 13, 2025 - 07:50 AM

Groom sa CDO 'nagayuma' ng bride, bumalik sa katinuan dahil sa asin?

VIRAL ngayon sa social media ang pagguyuma sa isang groom ng kanyang bride-to-be sa Cagayan de Oro.

Nitong Martes, March 11, nagkalat ang kwento ng isang bride-to-be na nanggayuma sa kanyang groom at nang-scam sa kanilang mga wedding organizers.

Ito ay matapos magkwento ng mga organizers at iba pang suppliers ng naturang kasal sa TikTok kung paano sila na-scam ng bride-to-be, gaya ng groom.

“First time in my life ay na scam man me sa bride,” saad sa naturang video kung saan makikita ang napakagandang venue ng kasal ngunit walang katao-tao.

Baka Bet Mo: Runaway groom arestado matapos i-blackmail ang iniwang bride

Ayon sa salaysay ng nagpakilalang wedding organizer, hindi natuloy ang kasal ng dalawa dahil sinabuyan ng asin ang groom ng kanyang kaibigan.

Bigla nga raw natauhan ang lalaki at naguluhan kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya sa lugar kung saan dapat silang magpapakasal.

“Pati pagkain, make-up, everything—around 500k ang ginastos sa coordinator or even more, pero wala kahit isang piso na na-downpayment si bride,” pagbabahagi pa sa naturang TikTok video.

Nagpakilala raw kasi ang bride na may kaanak na malaking politiko kaya naman hinsi raw problema kung hindi siya agad makapagbigay ng down payment.

Nagkaroon lamang ng pagdududa ang mga supplier dahil sa kakaibang pangyayari kung saan walang naging bisita mula sa panig ng bride at groom kahit na ito ang big day para sa kanila.

Ayon naman sa ulat ng 102.5 Brigada News FM CDO, posible umanong maharap sa kasong “estafa” ang nasabing scammer bride dahil sa mga reklamo ng wedding suppliers.

Nagkaroon na raw ng kasunduan ang panig ng bride at mga organizers na na dapat magbayad ng bride sa loob ng 10 araw ayon kay Cogon Police Station Commander Major Sabino Labitad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang nasabing bride.

Samantala, wala pa namang pahayag o inilalabas na reaksyon ang groom na sinasabing nagayuma.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending