Yayo Aguila maligaya sa piling ng boyfriend pero ayaw pakasal

Yayo Aguila maligaya sa piling ng boyfriend pero ayaw nang pakasal

Ervin Santiago - February 13, 2025 - 12:55 AM

Yayo Aguila maligaya sa piling ng boyfriend pero ayaw nang pakasal

Yayo Aguila

MALIGAYANG-MALIGAYA ngayon ang seasoned actress na si Yayo Aguila sa piling ng kanyang boyfriend na may konek sa showbiz ang pamilya.

Kinikilig na naikuwento ni Yayo sa BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media ang tungkol sa kanyang lovelife sa storycon ng latest movie niyang “Isolated.”

Four years na raw ang relasyon nila ng guy at going strong pa rin ang kanilang pagsasama. Pero nilinaw niya na hindi sila nagli-live in kahit pa nga pwedeng-pwede naman nila itong gawin.

“May boyfriend ako. Happy ako, four years na kami. Friend ko siya, hindi siya showbiz pero medyo showbiz ang family niya. Mas bata siya ng four years sa akin,” rebelasyon ni Yayo.

Baka Bet Mo: Yayo dedma na kay William: ‘Buhay niya, buhay ko, walang pakialamanan’

Nabigyan ng second chance si Yayo sa love after ng 25 years na pagsasama nila ng kanyang ex-husband na si William Martinez. Aniya, marami siyang nae-experience ngayon na never niyang naranasan sa past relationship niya.

“May mga bagay na may na-experience ako sa relationship na never kong na-experience sa 25 years kong kasama, like, I get to travel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yayo Aguila (@yayoaguila)


“Kasi siyempre apat ang anak ko, di ba? Tutok ka, hands-on ako. Ang feeling ko, deserve ko naman na naaalagaan ako versus dati na ako yung nag-aalaga,” aniya.

Hindi naman daw niya ipinagdadamot sa publiko ang kanyang buhay-pag-ibig, “Bakit ko itatago? Hindi naman ako high school.

“Isine-share ko lang kapag may guesting ka, ise-share mo. Pero siyempre, it’s not a perfect relationship,” kuwento pa ng beteranang aktres na matatawag ding “bampira” dahil parang hindi rin siya tumatanda.

Sinabi rin ni Yayo na wala na siyang balak magpakasal, “Ayokong mag-asawa na. Napag-usapan na namin, tapos na ako sa ganoon. Puwede naman maging masaya in a relationship pero walang marriage, para walang pressure.”

Inalala rin ng aktres ang naging love story nila ng ex-husband na si Willian Martinez na nagsimula noong magkasama sila sa classic youth-oriented movie na “Bagets” noong 1984.

“Nu’ng ginawa ko yung Bagets, kaka-16th birthday ko lang. Tapos du’n ko nakilala si William, nagtuluy-tuloy na. Ikinasal kami sa States, bale nag-live-in muna kami ng four years.

“Nag-meet kami ng 1983, tapos 1987, nagpunta kami sa States kasi immigrant ako. Nu’ng nakatira ako kina William, 1984, nakatira na ako sa kanila.

“Yung mother in-law ko, sobrang mahal ko yun kasi para talagang itinuring niya akong tunay na anak,” pagbabahagi ni Yayo.

Dagdag pa niyang pahayag, “Sa totoo lang, wala naman akong pinagsisisihan sa 25 years namin na mag-asawa. Wala, kasi siyempre nagkaroon kami ng apat na anak. And I am so happy na yung mga anak ko, kasama ko sa poder ko.

“In all fairness naman, napa-graduate ko sila lahat na ako lang mag-isa. Proud ako sa sarili ko kasi very independent ako saka natutunan ko rin na may mga bagay na hindi mo na rin mapipilit.

“Kapag na-try mo na i-work out, pero na-try mo na ayaw pa rin, siguro talagang may point sa buhay mo na kailangan mong i-take.

“Ite-take mo tapos dun ka nababago. Ang dami kong natutunan, to be independent, kung paano na kami. You and me against the world kasi kami.

“Pero ngayon, it’s a different phase kasi lahat ng mga anak ko, nagtatrabaho. Sobrang happy ko. So, ngayon nagko-concentrate na ako sa sarili ko,” lahad pa ni Yayo Aguila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, makakasama ni Yayo sa upcoming horror movie ng Viva Films na “Isolated” sina Yassi Pressman, Joel Torre, Candy Pangilinan, Gwen Garci, Wilbert Ross at marami pang iba. This is directed by Benedict Mique.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending