Yayo Aguila napatawad na si Baron, payag makasama sa work, pero... | Bandera

Yayo Aguila napatawad na si Baron, payag makasama sa work, pero…

Ervin Santiago - February 19, 2025 - 08:03 AM

Yayo Aguila napatawad na si Baron, payag makasama sa work, pero...

Baron Geisler at Yayo Aguila

NAPATAWAD na ng seasoned actress na si Yayo Aguila ang aktor na si Baron Geisler matapos itong mag-sorry sa kanya nang personal.

Muling nagsalita si Yayo tungkol kay Baron nang mag-guest siya sa cooking talk show na “Lutong Bahay” ng GTV hosted by Mikee Quintos.

Natanong ang aktres sa “Kitchen-terrogate” segment ng programa ng co-host ni Mikee na si Chef Hazel tungkol sa naging isyu sa kanila ni Baron ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Oo naman (napatawad na). Nagkita na kami, years ago sa isang event ng showbiz, wala akong choice, nagkasalubong kami. Tapos binati niya ako, nag-sorry naman siya, nag-sorry siya sa ‘kin,” pahayag ni Yayo.

Baka Bet Mo: Yayo Aguila maligaya sa piling ng boyfriend pero ayaw nang pakasal

“Malaking bagay ‘yung it takes guts para makapag-sorry ka. Feeling ko naman sincere siya,” sabi pa ng aktres.

Matatandaang hinatulang “guilty” noong 2013, ng Makati Municipal Trial Court Branch 61 si Baron Geisler sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng anak nina Yayo at Willian Martinez na si Patrizha Martinez.

Pinatawan ni Judge Aleli Briones ng parusang pagkakakulong ng minimum of six months at maximum of two years ang aktor. Bukod dito, pinagbayad din siya ng moral damages ng P30,000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yayo Aguila (@yayoaguila)


Taong 2008 nang sampahan ng kaso ni Patrizha si Baron dahil sa panghihipo nito sa kanya habang nasa isang bar sila sa Makati City.

Kuwento pa ni Yayo, sinabi niya sa kanyang anak na humingi sa kanya ng sorry si Baron nang magkita sila.

“Ayoko siyang i-judge pero ‘yung nag-sorry siya sa ‘kin, sinabi ko ‘yun sa daughter ko.

“Actually, ‘yung anak ko, sabi niya, ‘Ma, napatawad ko naman siya eh, pero hindi ko makakalimutan ‘yung ginawa niya.’ Ganu’n din ‘yung stand ko.

“Napatawad naman na namin siya pero ayoko siya makatrabaho, ‘yung ganu’n,” pagbabahagi pa ng aktres.

Sa tanong kung willing ba siyang makatrabaho si Baron sa isang project,  “If given the chance kunyari may magandang project, kasama ko siya, puwede ko naman siyang hindi kausapin sa set. Work is work.

“So, you don’t have to be friends with him kasi sa work di naman kailangan lahat friends mo. Kung work, work lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung si Lord nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao? Basta at least kami nabawasan naman kami ng bigat sa dibdib,” paliwanag ni Yayo Aguila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending