Baron Geisler nagbabala sa fake news: Kailangan ng hustisya!

Baron Geisler nagbabala sa nagpakalat ng fake news: Kailangan ng hustisya!

Ervin Santiago - February 25, 2025 - 10:04 AM

Baron Geisler nagbabala sa nagpakalat ng fake news: Kailangan ng hustisya!

Baron Geisler

MULING nanawagan sa publiko ang Kapamilya actor na si Baron Geisler na huwag paniwalaan ang mga pekeng balita na naglabasan tungkol sa kanya.

Puro kasinungalingan daw ang mga kumalat na balita tungkol sa kanya kaugnay ng umano’y pag-aresto at pagkulong sa kanya kamakailan.

Base sa mga ulat, inaresto at nakulong si Baron sa Mandaue City, Cebu, nitong nagdaang Sabado ng madaling-araw, February 22, dahil umano sa pagkalasing.

Pero mariin niya itong pinabulaanan sa pamamagitan ng isang Facebook post. Aniya, “Breaking my silence.

Baka Bet Mo: K Brosas tuloy ang demanda sa dating contractor ng bahay: Kailangan ko ng hustisya, hindi puwedeng ganun-ganu’n na lang!

“There’s a lot of misinformation circulating, especially from news outlets that failed to verify the facts before reporting. Irresponsible journalism has blown things out of proportion, creating unnecessary confusion.

“I want to make it clear—I’m okay, and I’m seeking legal advice to address this properly. To those who continue to stand by me, thank you. Your support means everything. #TruthMatters #Grateful,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa panayam naman ng News5 kay Baron, muli nitong ipinagdiinan na okay na okay siya at huwag basta-basta maniniwala sa mga fake news about him.

“I’m all well and don’t believe those lies po. Naapektuhan yung family ko so hindi ako papayag na gawin sa kahit na kanino ito kasi maling-mali talaga lahat ng mga lumalabas right now.

“So, kailangan ng hustisya para diyan, and the truth will come out naman very, very soon,” aniya pa.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga taong naniniwala sa kanya, “Sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta‘t nagmamahal, huwag po kayong mag-alala, all is good.”

Base sa naglabasang report, mismong pamilya raw ni Baron ang nagpaaresto sa kanya dahil sa paglabag sa City Ordinance 11-2008-434 (drunkennes).

Nakulong umano siya ng ilang oras pero nakalabas din mula sa custodial facility ng Police Station 6 ng Mandaue City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang misis daw niyang si Jamie Evangelista ang nagbayad ng multa na nagkakahalaga ng P500.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending