David Licauco napa-wow sa sexy birthday pictorial ni Kathryn

David Licauco napa-wow sa sexy birthday pictorial ni Kathryn Bernardo

Ervin Santiago - March 28, 2025 - 10:34 AM

David Licauco napa-wow sa sexy birthday pictorial ni Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo at David Licauco

NAPA-WOW ang Kapuso heartthrob at tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa pasabog na sexy birthday pictorial ni Kathryn Bernardo.

Pinainit ng Kapamilya actress at Box-office Queen ang social media sa mga ibinandera niyang bikini at underwear photos bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang ika-29 kaarawan.

Nagkasama at magkasabay pang rumampa sina David at Kathryn sa naganap na “Body of Work” underwear fashion show last weekend at in fairness, marami ang kinilig nang makita sila together sa nasabing event.

Sa naganap na grand presscon ng bago niyang movie kahapon, March 27, ang “Samahan ng mga Makasalanan” ay natanong ang hunk actor tungkol sa pagrampa nila ni Kath sa nasabing fashion event.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon may David, happy siya nang makita uli si Kathryn up close and personal, “Nu’ng makita ko siya, I was in awe dahil bata pa lang siya nu’n, pinapanood ko na. Pero bata pa rin naman ako nu’n. I’ve seen her growth as an actress.”

Hindi raw sila nakapag-usap ni Kath while on stage sa naganap na fashion show dahil ang dami raw nakikipag-selfie sa dalaga, “I said hi, I said hi lang.”

Hiningan din si David kung may birthday message ba siya para kay Kathryn, “Happy birthday Kathryn, nakita ko actually ‘yung post niya sa Instagram, wow, like coming from someone na pinapanood ko nu’ng bata pa lang siya, 2014, 19 yata that time, ang galing, ganda.”

Samantala, maganda at promising ang trailer ng “Samahan ng mga Makasalanan” na pinagbibidahan nga ni David. Palakpakan ang mga nasa grand mediacon ng movie after itong ipalabas.

Makakasama ng Pambansaang Ginoo sa pelikula sina Sanya Lopez, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singson, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Marsyomanais Gabriel) Liana Mae, at ang premyadong child actor na si Euwenn Mikaell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito ang first collaboration ng GMA Pictures at ni former Gov. Chavit Singson na present din sa naganap na presscon. Ito’y mula sa direksyon ni Benedict Mique.

First time gaganap sa pelikula si David bilang pari at ang unang tanong daw niya nang i-offer ito sa kanya, “Kaya ko bang maging pari?” Ang sagot ni Direk Benedict, kinaya raw ito ng aktor nang bonggang-bongga.

Iikot ang kuwento ng movie sa isang bayan na napakamakasalanan – ang Sto. Kristo – isang bayan na puno ng mga makasalanan. Dito papasok si Deacon Sam, played by David — ang misyon: tulungang magbago ang mga residente nito.

Gamit ang maalab na pananampalataya at ang paniniwalang lahat ay maliligtas sa kasalanan, binuo ni Deacon Sam ang Samahan ng Makasalanan kung saan nilalayon niyang pangu­nahan ang mga taum-bayan sa Sto. Kristo patungo sa landas ng pagtubos.

Habang ang mga residente ay isa-isang nagbabago mula sa kanilang masasamang paraan – mula sa pagiging magnanakaw tungo sa delivery rider, at sa pagiging mahilig sa tsismis hanggang sa mga tagapagbalita – nalaman ng batang diakono ang kanyang sarili na nahaharap sa labanan ng pagtubos at tukso na hindi niya nakitang darating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “Samahan ng mga Makasalanan” sa mga sinehan simula sa April 19, Sabado de Gloria.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending