David Licauco kayanin kaya ang mga tukso sa ‘Samahan ng Makasalanan’?

David Licauco, Jillian Ward at Michael Sager
MUKHANG susubukin ang katatagan ni David Licauco bilang si Deacon Sam sa upcoming film ng GMA Pictures na “Samahan ng mga Makasalanan.”
E, kasi nga naman, sa teaser trailer na ipinalabas kamakailan, makikita ang karakter ni David na mapapadpad sa Santo Cristo, kung saan may isang lugar na kung tawagin ay Kalye Makasalanan.
Dito, tila nagtipun-tipon ang mga tukso sa buhay ng tao. Kakayanin kaya ito ni Deacon Sam?!
Siyempre pa, excited na ang fans ni David na muli siyang mapanood, at sa isang pelikula pa ulit! Say nga ng isang fan, “OMG! Deacon Sam! Hindi ko palalampasin ang movie mo!”
Pinusuan din ng netizens si Sanya Lopez na handang-handa na para sa summer sa kanyang swimsuit scene! “Can’t wait to meet you Mila!” sey pa ng isang fan nito.
View this post on Instagram
Bukod pa nga raw sa entertainment bilang isa nga itong comedy film, tiyak na marami pang ibang handog ang pelikula sa bawat manonood.
Lalo pa’t makakasama rin ang iba pang mahuhusay na artista sa industriya tulad na lang ni Joel Torre kasama pa sina Betong Sumaya, Soliman Cruz, Jun Sabayton, at marami pang iba pa.
Ipalalabas ang “Samahan ng mga Makasalanan” this April 19 sa cinemas nationwide.
* * *
Sa patindi nang patinding rebelasyon tungkol sa baho ng mga Hermoso, nagiging intense rin ang pagka-hook ng mga Kapuso viewers sa number one kilig mini-serye ng primetime, ang “My Ilonggo Girl”.
Marami pang pasabog na twists and turns ang romcom series na pinagbibidahan ni Jillian Ward kasama ang kanyang leading man na si Michael Sager.
Matapos isiwalat ni James (Yasser Marta) ang pagkakasal niya kay Venice (Myrtle Sarrosa), nagawa nang palayasin ni Francis (Michael Sager) ang dati niyang kabiyak.
At sa pagkakagising ni Margaret (Andrea Del Rosario) mula sa pagkakalason, marami pang lihim ang naibubunyag.
Maraming viewers ang nagsabing deserve ni Venice ang pagpapalayas sa kanya ni Francis dahil sa mga kasinungalingan at kasamaang ipinamalas niya.
“Buti nga sa ‘yo Venice, ang sama ng ugali mo eh.”
“Karma is real talaga sa masasamang ugali hahahaha!”
“DESERVE VENICE, KUHA MO GIGIL KO.”
Siyempre, abangers din ang lahat sa kahihinatnan ng lumalalim na feelings ni Francis para kay Tata (Jillian).
Abangan ang iba pang exciting revelations sa “My Ilonggo Girl”, Lunes hanggang Huwebes, sa mas pinaaga nitong timeslot, 9:25 p.m. sa GMA 7 at 11:25 p.m. sa GTV!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.