Sanya Lopez umaming nagsinungaling sa mga interview: Minsan kailangan

Sanya Lopez
INAMIN ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na may mga nagawa na rin siyang “kasalanan” in the past kaya masasabi niyang wala talagang perfect na tao.
Sa isang promo material para sa pelikula nila ni David Licauco na “Samahan ng mga Makasalanan”, natanong ang aktres tungkol dito.
Isa nga raw sa mga nagawa niyang “kasalanan” ay ang magsinungaling sa ilang interviews niya sa mga miyembro ng press.
“Oo. Well, there are times na kailangan. It’s a white lie,” ang rebelasyon ni Sanya sa naturang panayam.
Pero mariin naman niyang dinenay na may naging dyowa siya noon na itinago niya sa publiko, “Ay, hindi, wala. Pero hindi niyo alam kung sino ‘yung mga nanligaw.”
Ni-reveal din niya na may pagkakataon na gusto raw niyang mang-block ng kapwa niya artista sa social media lalo na yung mga toxic.
View this post on Instagram
“Kapag attitude sa akin ‘yung tao, mute lang. Kasi pag block, alam na niya, eh,” sabi ni Sanya na wala namang binanggit kung sino ang mga celebrity na naka-mute sa kanya.
Kapag naka-mute ang isang account, hindi mo makikita ang mga post ng isang pina-follow o follower mo pero maaari pa rin mag-interact ang inyong accounts.
Pero kapag block, totally hindi na pwedeng makipag-interact sa iyo ang account na ito.
Samantala, showing na ngayon ang “Samahan ng mga Makasalanan” sa mga sinehan. Bukod kina Sanya at David Licauco, kasama rin sa movie sina Joel Torre, Soliman Cruz, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, Chanty Videla, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.