3rd PBB Nomination Night pinag-usapan, David susunduin na si Dustin?

Dustin Yu at David Licauco
MATAPOS ang isang tahimik at makabuluhang Semana Santa sa loob ng Bahay ni Kuya, humarap muli sa ikatlong nomination night ang mga housemate sa “PBB Celebrity Collab Edition.”
Ang mga nominado ngayong linggo ay ang duo nina RaSti–Ralph at Dustin, MiLi–Michael at Emilio, at BrInce–Brent at Vince.
Nagkaroon din ng matinding tensyon sa pagitan ng task leader na si Klarisse at nominated housemate na si Dustin Yu dahil sa ilang violation sa kanilang weekly task.
Samantala, biniro naman ng isa sa mga malalapit na kaibigan ni Dustin na si David Licauco sa kanyang recent Facebook post na mukhang maaabutan pa nito ang showing ng kanyang pelikulang “Samahan ng mga Makasalanan”.
View this post on Instagram
Sabi ni David, “Sagot ko na yung movie tickets hehe @ dustin.” Sa ilang interviews nga ng Pambansang Ginoo ay pabiro niyang kinukumusta ang kaibigan habang ito ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Sinu-sino nga kaya ang unang male housemates na lalabas ng Big Brother house? Abangan ang mga bagong hamon sa kanila gabi-gabi sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” sa GMA Prime.
* * *
Intense ang gigil tuwing hapon dahil may nagbabalik afternoon prime – ang veteran actress na si Pinky Amador na gaganap bilang Soraya sa GMA Afternoon Prime series na “Binibining Marikit.”
Habang naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng ama ay unti-unti na ngang nalalaman ni Ikit (Herlene) ang katotohanan sa kabila ng panlilinlang sa kanya ng mag-inang Rica (Arlene Muhlach) at Angela (Thea Tolentino).
Sa pagdating ng kapatid ni Rica na si Soraya, ano nga kaya ang panibagong plano upang maitago ang katotohanan?
Damhin ang gigil kasama ang Binibining Marikit tuwing hapon 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.