Min Bernardo 'di epal sa lovelife ni Kathryn: Bulung-bulong lang

Min Bernardo hindi umeepal sa lovelife ni Kathryn: Bulung-bulong lang ako!

Ervin Santiago - March 31, 2025 - 12:50 AM

Min Bernardo hindi umeepal sa lovelife ni Kathryn: Bulung-bulong lang ako!

Kathryn Bernardo at Min Bernardo

MATINDI rin ang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay at career ng Box-office Queen at award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Iyan ang rebelasyon ng nanay ni Kath na si Min Bernardo nang matanong tungkol sa pagsisimula ng showbiz career ng anak hanggang sa marating nga nito ang estadong kinaroroonan ngayon.

Pero knows n’yo ba na hindi lang si Kathryn ang nagsakripisyo nang bonggang-bongga noong nagsisimula pa lang mag-artista ang dalaga, kundi pati na rin si Mommy Min.

Sa panayam ni MJ Felipe, naibahagi ni Mommy Min na isinakripisyo niya ang sariling career para magabayan si Kathryn noong nagsisimula pa lang ang aktres bilang extra.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Mommy Min sa DIY dahil sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kanyang anak sa napili nitong mundo.

Pag-amin pa niya, hindi rin naging madali  ang lahat para Kath dahil ilang beses din itong nakaranas ng pagkabigo at rejections, bukod pa sa mga kinasangkutang kontrobersiya sa kanyang personal na buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ngayon si Kathryn, independent na siya. Ang strong ng anak ko,” ani Mommy Min.

Samantala, never din daw siyang nakialam o nanghimasok sa lovelife ng anak at hinahayaan lamang ang dalaga na magdesisyon para sa sarili niya.

“Hinahayaan ko lang siya, pero nariyan pa rin ako sa side na bulong-bulong, ‘Hindi tama ‘yan,’ ‘Hindi okay ‘yan,’ mga ganu’n ba,” sabi ng nanay ni Kathryn.

At sa tanong kung may mga nanliligaw ba kay Kathryn, “Siyempre naman, ang pangit ba naman ng anak ko kung walang manliligaw.”

Kumalat ang chika na tumigil na raw sa panliligaw kay Kath ang leading man niyang si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love, Again”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ang kumakalat na balita, mukhang nagkakamabutihan na raw si Kathryn at si Lucena City Mayor Mark Alcala na ex-boyfriend ni Ashley Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending
News Hub